Isang penguin ang lumalangoy ng 8,047 kilometro taon-taon para lamang bisitahin ang lalaking sumagip sa kaniya noon, talaga namang nakakamangha ang kanilang pagtatagpo!

Marami ang namangha at talagang bumilib sa hindi pangkaraniwang pagkakaibigan ng isang matandang lalaki na ito at ng isang penguin! Taong 2011 nang matagpuan ni Joao Pereira de Souza, 73 taong gulang ang isang kawawa at naghihingalong penguin sa dalampasigan.

Agad niya itong inuwi sa kaniyang tahanan at agad na ginamot. Talagang hindi siya sumukong alalayan at gabayan ang hayop na ito hanggang sa ito ay tuluyan nang gumaling.

Talaga namang nababalutan ng “black oil” ang kawawang penguin na isang linggo ring nilinis ni Joao. Nang maging mabuti na ang kalagayan ng naturang penguin ay kaagad naman itong pinakawalan at ibinalik sa karagatan.

Ngunit hindi akalain ni Joao na muli itong babalik sa dalampasigan kung saan siya natagpuan ng matanda at talagang naalala pa nito ang mismong lugar kung saan siya tinulungan ng matanda! Mula noon ay hindi kailan man nagmintis ang penguin na bumisita sa kaniyang kaibigang si Joao upang magpasalamat sa pagsasalba nito sa kaniyang buhay.

Ang penguin ay kalaunang nakilala bilang si Dindim na si Joao din mismo ang nagpangalan. Ito ay isang uri ng South American Magellanic penguin. Sa kaniyang pagdalaw sa kaniyang kaibigang si Joao ay talagang nagtatagal daw ito ng halos walong buwan bago bumalik sa coastal area ng Argentina at Chile para sa breeding season.


Ayon naman kay Joao ng minsang siyang makapanayam ng Globob TV ay mahal daw niya si Dindim na para bang isang anak at batid din niyang mahal din siya nito.

“No one else is allowed to touch him. He pecks them if they do. He lays on my lap, lets me give him showers, allows me to feed him sardines and to pick him up,” dagdag pa niya.

Madalas na sardinas ang pinapakain ni Joao sa kaniyang alaga dahil batid nitong magbibigay ito ng lakas sa kaniya. Kadalasang Hunyo ang pagdalaw ni Dindim sa kaniya at umaalis naman itong muli ng Pebrero.