Isang Pelican, hindi nagmimintis nang pagdalaw sa lalaking minsang nagligtas ng kaniyang buhay!

Nang minsang nangisda sina Omar El Oud at ang kaniyang ama ay mayroon siyang napansin na malaking puting ibon na palutang-lutang sa ilog. Nang lapitan nila ito nang bahagya ay nagulat sila dahil isa pala itong malaking Pelican na nangangailangan ng kanilang tulong.

“When we first rescued Ovi, he was bleeding from a cut on his leg and we realized his flight feathers were gone, as well as him being really dirty,” Pahayag ni El Oud.

Kalaunan ay natuklasan nilang may lagnat pala ito! Dahil dito ay nagdesisyon silang alagaan na muna ang kawawang ibon. Nang gumaling na ito ay agad din nila siyang ibinalik sa ilog. Ibinahagi din ng mag-ama na nagawa nilang iligtas ang buhay ni Ovi dahil na rin sa “Lebanese Wildlife Rehabilitation Centre”.

Positive reinforcement daw ang ginamit ni El Oud sa napakalaking ibon na ito. sa tuwing maganda ang kaniyang mga ginagawa ay talagang binibigyan niya ito ng isda, kapag naman hindi ay hindi niya ito pinapansin.

“In less than a day, he became a very friendly bird toward me. [He’s a] very intelligent animal.” Dagdag pa niya.

Ayon pa sa kaniya, putol na ang mga pakpak ng Ovi buhat nang putulin ito ng mga illegal wildlife smugglers. Buti na lamang at agad silang nakahanap ng maayos at ligtas na lugar para kay Ovi.

Si Ali, ama ni El Oud ay manager sa Beirut, Lebanon ng isang beachside restaurant na “Abou Mounir Fishery”.

Hindi nagtagal at buong komunidad na nila ang nagpoprotekta at nangangalaga kay Ovi.

“Essentially, what he does is hang out down from the restaurant and does whatever he wants. But sometimes if he’s hungry and wants food, he comes up by himself because he realized that’s where the food is coming from.” Komento ni El Oud.

Gustong-gusto rin daw ni Ovi na kinakamot ang kaniyang dibdib at likod ng mga taong pinagkakatiwalaan niya.