Isang pasahero ang labis na humanga sa taxi driver na ito na nakasuot pa ng oxygen tube para lamang makapagtrabaho sa kabila ng kaniyang karamdaman!

Agosto 2020 nang makasakay sa isang taxi si Nongying Chuaibamrung (Thailand). Habang nakasakay siya sa taxi ay napansin niya ang driver nito na mayroong kausap sa kaniyang cellphone at marahang nagpapatakbo ng sasakyan.

Medyo nainis siya dahil sa ginawa na iyon ng driver. Ilang minuto pa ang lumipas at ibinaba na ng driver ang kaniyang cellphone at humingi ng tulong sa kaniya.

Nakisuyo ang driver sa kaniya na i-check ang oxygen tank nito na nasa bandang likuran ng upuan ng driver. Dahil sa na-curious siya sa kalagayan ng driver kung kaya naman tinanong niya kung ilang taon na ito.

Nalaman niyang 49 taong gulang na pala ito at ang kaniyang pangalan ay Sumeth Singpun na nakatira sa Ayutthaya, Bang Sai. Mayroon siyang problema sa kaniya kidneys at kinakailangan na niyang mag-dialysis.

Nalaman din niyang medyo malabo na rin ang paningin nito kung kaya naman binabagalan nito ang kaniyang pagmamaneho. Sa kabila ng kaniyang pinagdaraanan ay hindi nagreklamo ang driver at nagpatuloy pa rin sa kaniyang pagtatrabaho upang kumita ng pera.

Ayon pa sa kaniya, mag-isa na lamang pala sa buhay ang driver at kailangan niyang magtrabaho upang may makain at maipambayad sa renta. Mayroon din daw itong isang anak na lalaki ngunit dahil sa malayo ang bahay nito ay hindi na sila halos nagkikita pa.
Dahil sa determinasyon niyang ito ay naisipan ni Nongying Chuaibamrung na ibahagi sa social media ang kaniyang kwento.

“He lives in Ayutthaya by himself. He has to pay the rent. No work, no money. Money for disabled people is also not enough for treatment. So need to hire a taxi to drive. There is a son, who never came home to take care of him,” Pahayag ni Nongying.

“He has one son. He never came to take care of him. He cried out. I could only talk to comfort him. When we arrived home, I got out of the car and paid the car fare, and helped him with a small amount of money because I only had that with me. I also told him that I want to take his story on Facebook. He also gave me his ID card to take a photo. But it was so dark, but I took it anyway. Besides the photo, it’s not clear. I only got the phone number.” Dagdag pa ni Nongying.