Isang pamilya sa Indonesia may kasamang buwaya sa kanilang bahay sa loob ng mahigit 20 taon!

Taong 1997 pa nang masilayan ni Muhammad Iwan, 41 taong gulang, ang ilang mga bata sa Pangandaran Beach sa West Java na nakikipaglaro sa isang buwaya. Naisipan niya itong bilhin sa halagang 25,000 Indonesian Rupiah ($1.8).

Pinangalanan niya itong Kojek at sinama niya ito bilang isang pet sa kanilang tirahan sa Sempur Sub-District sa West Java. Halos dalawang dekada ang lumipas at ngayon ay mayroon nang timbang na 200 kilo ang naturang buwaya.

Ayon sa kwento ni Muhammad Iwan, kailan man ay hindi raw sila sinaktan ng alaga nilang si Kojek. Dahil nga rito ay mas lalo pang kumalat ang bali-balita patungkol sa buwayang ito na talagang dinarayo pa ng mas maraming mga turista at mga taong nais masilayan ang popular na buwaya o “gentle giant” kung kanilang tawagin.

Maraming mga larawan ni Kojek ang makikita na ngayon online dahil na rin sa pagiging laganap ng social media. Mayroon din siyang larawan kasama ang kaniyang amo habang siya ay pinaliliguan.

“When I saw a group of fishermen carrying Kojek, I bought him immediately for 25,000 rupiahs. When he was little, Kojek had a fierce nature and even bit my finger, but he soon grew tame when I took him into my home. Kojek looks like a beast, but he loves to interact with humans.” Komento ni Muhammad Iwan.


“I love crocodiles, and I care a lot about Kojek, and I think he sees me as his father. He’s a good pet. His treatment is not too special. I clean his water once a week and give him skin care and brush his teeth.” Dagdag pa niya.

Noon ay 25 sentimetro lamang daw si Kojek na nakatira sa isang medium-size na aquarium. Ngunit sa ngayon ay mayroon na siyang sarili niyang tirahan o “pond” na ginawa mismo ni Muhammad Iwan para sa kaniya.