Isang negosyante, hindi akalain na isang prinsesa pala ang nakuha niyang yaya para sa kaniyang anak na siyang kumikita lamang ng $5 kada oras!

Si Diana, Princess of Wales ay nakilala ng publiko bilang isa miyembro ng British Royal Family. Siya ang unang asawa ni Charles, Prince of Wales (the heir apparent to the British throne).

Ang nasirang Princess Diana rin ang ina ng mga prinsipe na sina Prince William at Prince Harry. Marami din ang nagbansag sa kaniya bilang “The People’s Princess” dahil talaga namang wala itong karate-arte sa katawan at marunong makisama sa maraming tao.

Naging maikli man ang buhay ni Princess Diana ay minahal siya ng napakaraming mga tao sa buong mundo dahil sa pagiging mapagpakumbaba nito at mabait sa kaniyang kapwa tao. Lingid sa kaalaman ng publiko, bago pa man siya maging isang ganap na royalty ay nagtrabaho pala siya bilang isang part-time yaya na kumikita ng $5 dolyar kada oras.

Taong 1980, isang teenager pa lamang si Princess Diana ay nagtagpo ang landas nila ng businesswoman na si Mrs. Mary Robertson. Nangangailangan noon ng taong magbabantay sa kaniyang anak si Mrs. Robertson kung kaya naman agad siyang tumawag sa isang local agency. Ipinadala naman nila ang dalagang si Princess Diana.

Nagpapart-time si Princess Diana sa kaniya tatlong araw sa loob ng isang linggo habang nursery teacher naman siya sa natitirang apat na araw. Ayon naman kay Mrs. Robertson, likas na tahimik at mahiyain si Princess Diana ngunit wala siyang masabi sa pagiging masipag nito lalo na at madalas niya itong makita na naglalaba, naglilinis ng laruan ng kaniyang anak at minsan pa nga ay naghuhugas ng pinagkainan.


“Fell in love with her, she would do the laundry, pick toys, and wash dishes.” Pagkukwento ni Mrs. Robertson.

Hindi lubos akalain ng ginang na ang kaniya palang part-time na yaya noon ay isang prinsesa. Natuklasan niya ito nang minsang makakita siya ng isang deposit slip sa ilalim ng sofa nila na direkta sa Coutts and Company, isang bangko na eksklusibo lamang sa mga aristocrat at royal family members ng bansang Inglatera.

Bago pa man malaman ng press ang tungkol sa ugnayan nila ng Prinsesa ay agad na itong nagpaalam sa kaniya na aalis na ito ng trabaho. Kasunod nito ay nakita na lamang niya ang pagpapakasal ni Princess Diana kay Prince Charles.

Ngunit taong 1997 ay nagimbal ang buong mundo dahil sa aksidenteng pagkakasawi ng prinsesa dahil sa isang car accident.