Isang napakagandang babae na mala-manika na talaga namang hinangaan ng marami, isa palang powerlifter?!

Pagdating naman sa pagkilatis ng magaganda at hindi, talagang walang makakatalo sa maraming mga netizens. Hindi na rin nakapagtataka na madalas ay marami ang nakukutya at nahuhusgahan online dahil sa panlabas nilang kaanyuan dahil sa mataas na batayan ng mga tao ngayon pagdating sa kagandahan at kaseksihan.

Marami sa atin ang tiyak na nakakita na ng isang babaeng mala-manika ang hitsura mula ulo hanggang leeg ngunit pagdating sa katawan ay tila isang maskuladong lalaki. Isa na sa kanila si Julia Vins na talagang pumukaw sa atensyon ng publiko.

Sa edad niya kasing 15 taong gulang pa lamang noon ay talagang palagi na siyang naggi-gym! Dahil sa pagnanais niyang magkaroon ng kompiyansa sa sarili ay talagang pinahalagahan niya ng husto ang pag-aalaga sa kaniyang katawan.

Kung noon ay mayroon siyang balingkinitan at katamtamang katawan, ngayon ay talagang malulula at magugulantang ka sa pambihirang pangangatawan niya. Madalas na siyang tawagin ngayon bilang “Muscle Barbie”.

Sikat na sikat siya ngayon sa Instagram at talagang marami na siyang mga tagasuporta. Marami na din siyang world records na nagawa tulad na lamang ng 180kg squat, 105 kg bench press, at 165kg d3adlift.

Palagi din siyang sumasali sa mga kompetisyon sa Russia at Europe. Taong 2016 nang tanghalin siyang kampeon sa Russia. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil sa kaniyang nasimulan.


Kamakailan lamang ay nagbahagi din siya sa kaniyang social media ng video kung saan sinabi niyang “If you want to see fast progress in back growth, you need to focus on “big” muscles first – traps and lats.”

Pinatunayan lamang niya na walang imposible sa isang tao kung talagang pagsusumikapan at pagpupursigihan niya ang isang bagay. Mahalaga rin na alam natin kung para saan ang ginagawa nating ito upang mas maging maayos at mas maging matagal ang pagsasagawa natin ng layunin nating ito.