Isang napakacute na toddler ang nagpaalam pa talaga sa isang security personnel sa airport, makapagpaalam lamang sa kaniyang tita!

Dahil marami sa ating mga Pilipino ang talagang mahilig sa mga teleserye, pelikula, at maging mga Korean drama, tiyak na hindi na bago sa atin ang eksena kung saan mayroong isang bida na maghahabol sa airport para sa kaniyang minamahal. Sa kasamaang-palad ay hindi talaga pinapayagan ang sinuman upang makapasok sa ilang lugar sa airport lalo na kung hindi naman sila pasahero.

Ito ay ilan lamang sa ginagawang seguridad sa mga paliparan upang masiguradong ligtas ang lahat ng taong naroroon at mga taong sasakay ng eroplano. Marami na din kasi ngayong mga balita ng karahasan at terorismo sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Ngunit paano nga kaya ang gagawin ng isang security personnel kung isang napakacute na bata o toddler ang magpaalam sa kaniya upang magpaalam sa kaniyang tita? Isang video kasi ang naging usap-usapan sa social media kung saan makikita ang isang cute na batang babae na lumapit sa isang security personnel at nagpaalam kung maaari daw ba nitong puntahan ang kaniyang tita na papaalis na.

Ito ay naganap mismo sa Hamad International Airport sa Qatar. Ang Twitter user na si @KaptanHindostan ang nagbahagi ng nakakatuwang video na ito.

Mapapansin naman na talagang nakinig ng husto sa batang nagpapaalam ang security personnel na kalaunan ay pumayag rin naman. Nakamasid ang security personnel habang tumakbo ang bata at niyakap ang kaniyag tiyahin.

Maraming mga netizens din ang talagang naantig sa pangyayaring ito dahil marami din naman sa atin ang talagang malapit sa ating mga kamag-anak. Marahil ay talagang close na close ang bata sa kaniyang tita kung kaya naman talagang nakiusap pa ito sa security personnel para lamang mayakap niya ang kaniyang tita sa huling pagkakataon.

Marami din naman ang pumuri sa pagiging mabait ng security personnel dahil sa pagpayag nito na muling mayakap ng bata ang kaniyang tita. Sigurado naman na kahit pinayagan niya ang bata ay nakabantay pa rin sila ng husto dahil ito ang kanilang trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *