Isang napaka-cute na bear cub, huling-huli sa hidden camera habang naliligo ito kasama ang laruang oso na kaniyang natagpuan!

Nakakalungkot isipin na napakarami nang mga hayop ang talagang apektado na ng problema natin sa ating kapaligiran. Ilan na marahil sa mga tinututukan talaga natin ay ang “global warming” at “climate change”.

Maliban sa mga ito ay mayroon ding mga “wildfire” at iba pang mga pangyayaring hindi natin inaasahan. Kawawa ang mga hayop na naapektuhan nito.

Tulad na lamang ng isang oso na ito. Si Tamarack ay isang bear cub na wala nang mga magulang nang ma-rescue mula sa isang wildfire sa Northern California.

Isang taon na ang nakalilipas buhat nang mapuruhan ang kaniyang mga paa sa paa sa naturang insidente. Sinisikap ng kaniyang mga rescuers na gamutin ang kaniyang mga paa upang maging maayos na rin ang kaniyang paglalakad.

Ngunit hindi inaasahan ng mga ito na makakatakas pala mula sa kanilang pangangalaga si Tamarack. Buti na lamang at walang nangyaring masama sa kaniya kahit pa nga hindi pa magaling ang kaniyang paa nang mga panahong iyon.

Si Toogee Sielsch ay isang wildlife lover at buhat nang makatakas sa rehabilitation center noon si Tamarack ay talagang nakabantay na ito gamit ang kaniyang trail cameras. Hindi nagtagal at napanuod din niya ang ginagawang pagligo ni Tamarack kasama ang isang laruang oso na kaniyang napulot sa kung saan.

Tila ba tinuring niyang kaibigan ang naturang oso.

“I thought how it was almost a perfect example of the playfulness of not only young black bears, but all of them,” pahayag ni Sielsch.

“It makes my heart very happy to have watched his progress against all odds as an orphaned and healing cub of the year, now yearling,” dagdag pa ni Sielsch.

Talaga namang maraming mga netizens ang natuwa sa maayos na kalagayan ngayon ni Tamarack. Marami din ang giliw na giliw dahil sa wakas ay tila nakatagpo na ito ng isang kaibigan sa katauhan ng isang laruang oso.