Isang nanay, nagbahagi ng ilang larawan ng kaniyang anak katabi ang alaga nilang isda habang natutulog!

Marami sa atin ang nakalakihan na ang pagkakaroon ng pet sa bahay. Halimbawa na lamang ay aso, pusa, ibon, isda, at marami pang iba.

Madalas na nag-aalaga tayo ng mga pet sa ating bahay dahil nais nating mabawasan ang stress na nararanasan natin sa araw-araw. Marami din sa atin ang talagang narerelaks at nababawasan ang pagod sa tuwing nakikita natin ang ating mga alagang hayop.

Hindi biro ang pag-aalaga ng mga hayop sa ngayon dahil hindi na lamang ordinaryong hayop ang ating inaalagaan kundi maging mga exotic na uri ng hayop na madalas ay kinatatakutan ng marami sa atin. Ngunit sa kabila nito, marami pa rin talaga sa atin ang nakakadama ng kaligayahan sa ginagawa nating ito.

Ngunit tila nakapagtataka ang naging karanasan ng isang nanay na ito at ng kaniyang anak nang minsang mapansin niya ang kaniyang anak na katabi ang alaga nilang isda sa pagtulog! Ayon sa nanay na si Bieesya Baieesya mula sa Kota Kinabalu, Malaysia ay madalas nang katabi ng kaniyang anak ang alaga nilang pusa sa tuwing matutulog ito.

Ngunit isang araw ay laking gulat na lamang niya nang makita ang alaga nilang isda na katabi na rin ng kaniyang anak! Ang uri ng isda na iyon ay isang “mudfish” at ayon sa ilang mga nauna nang artikulo, ang mga ganitong klase ng isda ay kayang mabuhay nang mahabang panahon kahit pa wala sila sa tubig basta’t nakalubog sila sa putikan.


Talaga namang nakakamanghang malaman na mayroon din palang mga isda na tila ba komportableng umalis sa kanilang “comfort zone” kahit na nga maaaring maging mapanganib ito sa kanilang buhay. Tila ba ipinapahiwatig nila na kung kaya nga nilang umalis sa kanilang comfort zone ay tiyak na magagawa rin natin ito bilang tao.

Marahil ay mas magiging masaya tayo at mararanasan na natin sa wakas ang mga bagay na noon ay hindi pa natin nararanasan sa gagawin nating ito. Hindi tayo dapat matakot bagkus ay maging matapang at malakas dapat ang ating kalooban.