Isang munting pusa ang inampon at inalagaan ng lola na ito, ngayon ay siya naman ang nagbibigay saya sa kaniya sa ospital!

Isang nakakaawang kuting ang natagpuan ng mga rescuers sa isang parking lot. Nang makita nila ito ay nasa masama itong kondisyon at talagang kailangan nang atensyong medikal.

Ginawa nila ang lahat upang maisalba pa ang kawawang kuting. Ngunit nanlumo sila nang malaman nilang “underdevelop” ang mga mata ng munting kuting.

Napagdesisyunan nila na tanggalin na lamang ang mga ito. Nang natapos na ang eye surgery sa kaniya ay saka naman nila natuklasan na mayroon naman itong cerebral hypoplasia na isang neurological condition na nakakaapekto sa kaniyang pagbalanse.

Pansamantala siyang dinala sa isang foster home kasama si Beth Stern. Batid naman natin kung gaano kahirap ang makahanap ng tao o pamilyang mag-aampon sa mga espesyal na hayop.

Ang pangalan ng taong umampon sa kawawang pusa ay si Susan Smith. Nang makita raw ni Susan ang pusang ito ay napamahal na siya kaagad dito.


Dahilan upang agad niya itong ampunin at pangalanang Donny.

“He was wobbling and bumping into things but just kept running around. He would fall down but get right back up with the most incredible spirit I’d ever seen. Life had thrown him a double whammy but he was the happiest guy we’d ever met. That was a Friday night and I picked him up on Sunday morning.” komento ni Smith.

Nang makarating na sila sa tahanan nila Smith ay batid na nito ang kalagayan ng kaniyang magiging alaga. Ngunit para naman kay Donny ay wala siyang pinagkaiba sa ibang mga pusa.

Madalas itong umaakyat sa pinakamataas na bahagi ng kaniyang cat tree. Nagpapatihulog naman ito kapag gusto niyang bumaba.

Ito ang dahilan kung kaya punong-puno ng unan at mga mats ang kanilang sahig. Sa tuwing maririnig daw ni Donny na pauwi na siya ay palagi siyang na harap ng bintana, magpapalaglag sa mat at saka mag-aabang sa kanilang pintuan.