Isang modelo ang hindi na pinadalo pa ng kaniyang kaibigan sa kaniyang kasal dahil sa napakagandang hitsura nito suot ang gown sa naturang selebrasyon!

Sabi ng maraming nakatatanda, ang pagkakaroon ng isang tunay na kaibigan ay talagang hindi matatawaran at hindi mapapantayan. Hindi rin lahat ng taong akala natin ay kaibigan natin ay totoong kaibigan ang turing sa atin.

Kadalasan kasi ay nariyan lamang sila dahil mayroon silang kailangan sa atin o di kaya naman ay talagang napapakinabangan nila tayo. Nakakalungkot lamang isipin na mayroon pala talagang ganitong klase ng tao.

Kamakailan lamang ay napabalita sa ilang social media platform ang naging karanasan ng modelong ito. Inimbitahan daw siya ng kaniyang kaibigan sa kasal nito at siya na rin mismo ang pumili ng isusuot na gown ng modelo para sa naturang selebrasyon.

Ngunit nang minsang isukat ng modelo ang naturang gown ay talagang nagulat ang kaniyang kaibigan dahil napakaganda nito sa kaniya. Dahil dito ay sinabihan siya ng kaniyang kaibigan na huwag na itong pumunta sa kaniyang kasal!

Talaga namang nalungkot at nadismaya ang modelong si Alena na mula sa Germany sa naging pagtrato sa kaniya ng kaniyang malapit na kaibigan. Maaari naman din siyang kausap nito ng masinsinan ngunit mas pinili nitong huwag na siyang makita sa araw ng kaniyang kasal.


Hindi rin naman daw kasalan ni Alena na naging napakaganda sa kaniya ang piniling gown ng kaniyang kaibigan. Maraming mga netizens din ang nakisimpatya sa modelo at sinabing hindi tunay na kaibigan ang kaibigan niyang ito.

Lahat naman halos ng mga kababaihan ay nais na maging pinakamagandang bride sa kanilang kasal ngunit hindi rin naman tama na bawiin mo pa ang imbitasyon mo sa iyong kaibigan lalo na kung dahil lamang ito sa pagiging maganda o seksi nito. Nagpapakita lamang ito ng kawalan ng kompiyansa sa iyong sarili at lalong-lalo na ng kawalan ng tiwala sa taong iyong pakakasalan.

Dahil kung talagang mahal ka ng isang tao, kahit sinong artista pa o kahit sinong magandang babae pa ang kaniyang makita sa araw ng inyong kasal ay ikaw pa rin ang magiging pinakamagandang babae sa kaniyang paningin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *