Isang mister sa England lumikha ng isang hugis pusong “parang” bilang pagpupugay sa kaniyang yumaong asawa!

Maraming mga netizens ang talagang naantig sa pagmamahal ng lalaking ito para sa kaniyang asawa kahit na nga ito ay yumao na. Isang matandang magsasaka mula sa England na nakilala bilang si Winston Howes at ang misis niyang si Janet ang masayang nagsama ng 33 taon bilang mag-asawa sa kanilang sakahan.

Ngunit sa edad na 50 ay hindi inaasahang pumanaw si Janet na naging dahilan ng labis na kalungkutan ni Winston. Inatake sa puso si Janet kung kaya naman agad itong binawian ng buhay.

Dahil sa labis na pagmamahal ng mister ay nagdesisyon itong magtanim ng 6,000 mga binhi sa 112 hektarya nilang lupain sa Gloucestershire. Makalipas ang 17 taon ay mayroon palang mensahe ang ginawang pagtatanim na ito ni Winston.

Ang “heart-shaped meadow” o parang na ito ay ang lugar kung saan madalas namamahinga si Winston at dito rin niya binabalikan ang alaala nilang mag-asawa. Nagtanim din ng Daffodils si Winston dito na paboritong bulaklak ng kaniyang asawa.
“I came up with the idea of creating a heart in the clearing of the field after Janet died. I thought it was a great idea – it was a flash of inspiration – and I planted several thousand oak trees. Once it was completed we put a seat in the field, overlooking the hill near where she used to live. I sometimes go down there, just to sit and think about things. It is a lovely and lasting tribute to her which will be here for years.” Pahayag niya.

“We got people in especially to do it – there are several thousand trees. We planted large oak trees around the edge of the heart then decided to put a hedge around it too. We plant daffodils in the middle that come up in the spring – it looks great. I go out there from time to time and sit in the seat I created.” Dagda pa niya.

Matagal ding walang nakapansin at nakakita ng hugis pusong parang na ito na ginawa ni Winston para kay Janet. Ngunit taong 2012 ay nasaksihan ito mismo ni Andy Collett habang siya ay nakasakay sa isang hot air balloon.

Talaga namang nakakamangha ang wagas na pagmamahal ni Winston para sa namayapa niyang asawang si Janet. Kahit pa ilang taon na ang lumipas ay talagang naroroon pa rin ang pagmamahal at pangungulila nito sa kaniya.

Kung kaya naman malaking tulong din ang ginawa niyang ito upang mabawasan ang kaniyang pananabik sa kaniyang minamahal na kabiyak na balang-araw ay makakasama niya ring muli.