Isang mister mayroong magandang tip upang ganahan ang mga misis sa paglalaba!

Bahagi na ng kultura nating mga Pilipino ang sanayin ang ating mga anak sa mga gawaing-bahay. Sa pagtungtong nila ng wastong edad ay unti-unti na silang tinuturuan ng mga gawaing bahay upang kahit papano ay maging maalam sila sa maraming bagay hanggang sa kanilang pagtanda.

Nakakalungkot lamang isipin na hindi lahat ng kabataan sa ngayon ay napapansin ang kahalagahan nito. Marahil maraming mga nana yang sasang-ayon na isa na yata sa pinakamahirap na gawaing-bahay sa ngayon ay ang paglalaba.

Ito kasi ay ginagawa ng mas madalas depende sa bilang o sukat ng isang pamilya. Kung mas marami ang miyembro ng pamilya ay tiyak na mas madalas din ang paglalaba habang kung kakaunti lamang ay maaaring mas maging madalang ito.

Kaya naman maraming mga nanay na labis na napapagod sa paglalaba, mahaba-haba din kasi ang proseso nito. Nariyan na ang pagbababad, pagsasalang sa washing machine ng mga maruruming damit, pagbabanlaw, pagsasampay, pagsasamsam o pagsisilong ng mga natuyong damit, pagtutupi o pagtitikop, at pagtatabi nito sa ating mga drawer, cabinet, at iba pang lagayan.

Marahil ay marami pa ang nakakaalala sa isang netizen na nakilala bilang si Marvien Cascato ang isang tip upang mas ganahan ang mga misis na maglaba. Naglalagay kasi mismo siya ng pera sa bulsa ng kaniyang pantalon na madaling makikita ng kaniyang misis.

Sa paglalaba ng kaniyang misis ay mayroon na agad 550 pesos ang kaniyang pantalon. Maaari na itong gamitin na pang-merienda o di kaya naman ay pambili ng ilang mga nais niyang bilhin.

Sino ba naman ang hindi gaganahan at hindi matutuwa sa sorpresang ito ng mister para sa kaniyang masipag na misis? Nakapaglaba ka na ay mayroon ka pang matatanggap na reward sa iyong ginawa.

Bilang isang ilaw ng tahanan ay talagang matutuwa at maliligayahan na sila sa ganitong pamamaraan ng kanilang minamahal na asawa.