Isang misis, tinatawagan pa rin ang kaniyang yumaong asawa kahit tatlong taon na itong wala sa mundong ito!

Marami ang namangha at nagulat sa balitang ito kung saan ang isang ginang ay patuloy pa ring tumatawag sa cellphone ng kaniyang asawang tatlong taon nang pumanaw. Siya ay nakilala bilang si Marianne Seltzer na isang Manhattan Defence Attorney.

Ang nasira niyang asawa naman ay walang iba kundi si John Jacobs na mayroong kasamang fully charged na Motorola T720 phone sa kaniyang libangan. Mayroon din daw $55 Verizon bill na buwan buwan binabayaran ng pamilya nito.

Noong una ay wala pa ngang nakapansin sa cellphone ni John sa loob ng kabaong nito. Ngunit marami ang nagulat nang tumawag ang anak nitong si Simon at doon nga nakita ang naturang cellphone sa tabi ng kaniyang labi.

Ayon kay Marianne, noon pa man daw ay talagang palagi nang tumatawag si John sa mga taong malapit sa kaniya. Tatlo hanggang apat na beses ang pagtawag na ginagawa nito sa loob lamang ng isang araw sa mga taong malapit sa kaniya.

Buhat nga ng pumanaw si John ay talagang hindi na tumigil pa si Marianne sa pagtawag sa kaniyang cellphone dahil natutuwa siyang marinig ang boses ng kaniyang mister habang sinasabi ang mga katagang ito sa kaniyang voicemail:
“Hi. You’ve reached the voicemail of John Jacobs. After you hear the beep, leave a voicemail and I will return your call.”

Ito ang isa sa mga mensaheng ipinadala ni Marianne sa cellphone ng kaniyang asawa: “Hopefully the Knicks will do better this year. Hopefully, they’ll finally have a winning season. Sammy passed all his finals. It’s cold outside today. I hope it’s not cold down there.”

Ito naman ang mensahe sa kaniya ng kaniyang mga anak:
“Dad, the Giants won the Super Bowl!”
“I wish we could have gone. You always wanted to go.”

Para kay Marianne, wala siyang balak na ipahinto o ipatigil ang phone service ng kaniyang asawa hanggang marami pang mga tao ang talagang nagmamahal at nagmamalasakit sa kaniya.