Isang misis, itinali na lamang ang kaniyang mister sa motorsiklo nang sunduin niya ito dahil sa sobrang kalasingan!

Hindi na bago sa maraming mga Pilipino ang pagsasaya sa inuman lalo na kung mayroong espesyal na okasyon o halimbawang kinailangan ito sa trabaho. Ang pag-inom ay isa ring uri ng “hobby” para sa iilan dahil talagang nalilibang sila at nawawala ang kanilang mga alalahanin sa tuwing sila ay iinom ng alak.

Marami ding umiinom ng mag-isa o di kaya naman ay umiinom kasama ang kanilang mga kaibigan. Ngunit kapag kasama na ang mga kaibigan, tiyak na mahihirapan nang magpigil at magkontrol ang mga kasali sa inumang ito dahil na rin sa udyok ng nakararami.

Hindi na nakapagtataka na maraming mag-asawa ang nag-aaway dahil sa ganitong sitwasyon. Madalas kasing nakikipag-inuman ang mga asawang lalaki sa kanilang mga kaibigan o katrabaho at tila naging tipikal na kaganapan na lamang ito.

Kamakailan lamang ay marami ang natuwang balikan ang larawang ito na ibinahagi noon sa Facebook page na “Takbong Pogi”. Makikita sa larawan ang isang misis na talagang inaayos ng husto ang pagkakatali niya sa kaniyang mister.

Itinali niya ito sa kanilang motorsiklo dahil sa hindi na nito magawa pang makatayo o makalakad dahil sa labis na kalasingan. Dahil sa kailangan nang iuwi ng misis ang kaniyang asawa ay wala na nga itong maisip pang ibang paraan kundi itali na lamang siya.
Talaga namang isa ito sa mga sakripisyong ginawang ng mga misis para sa kanilang kabiyak. Maraming mga Pilipino din naman ang naka-relate sa sitwasyong ito ng misis na talagang kinaya na maitali at maiuwi ang kaniyang lasing na asawa.

Hindi lamang ang pagsundo sa tuwing sila ay lasing na. Kundi ang pag-aasikaso rin lalo na kung hindi nila kaya ang kanilang sarili dahil sa sobrang kalasingan nito.

Kung kaya naman mapalad talaga ang marami sa atin sa pagkakaroon ng mapagmahal at maasikasong asawa. Ikaw, naranasan mo na rin bang sunduin ang lasing mong mister sa inuman?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *