Isang minero ang nakahukay ng “world’s biggest gemstone” na nagkakahalaga ng $3.3 million!

Isang minero mula sa Tanzania ang nakahukay ng gemstone na ito na may timbang na 9.27kg (20.43lb) at 5.10kg (11.25lb). Naging “overnight millionaire siya matapos niyang ibenta ang dalawang Tanzanite stones na ito na itinuturing na pinakamalaking natagpuan sa kanilang bansa.

Ang kaniyang mga tauhan mismo ang nakadiskubre ng mga batong ito na nagkakahalaga ng mahigit sa 7.74bn Tanzanian shillings o katumbas ng $3.35 million! Ang dalawang dark violet-blue gemstones na ito ay mayroong haba na 30cm at kapal na 10cm.

Kalaunan ay nakilala rin ang mapalad na lalaki bilang si Saniniu Laizer.
“There will be a big party tomorrow,” Pahayag ni Laizer.

“I want to build a shopping mall and a school. I want to build this school near my home. There are many poor people around here who can’t afford to take their children to school,” Dagdag pa niya.

“Rags to riches story” nga ang paglalarawan ng mga local at international reporters sa kaniyang istorya.

“He has logistics experts, engineers, geologists who help him in the planning of the operations. He doesn’t himself go to the pit to dig. He has a number of tried labourers who … do the mining,” Komento naman ni Kiria Laizer na isang manager.

“It’s a really challenging experience. It’s tough of course, working in this dusty area. We inhale a lot of dust and get sick, but we haven’t lost the determination to work. We feel grateful that our boss has finally got these stones. We are planning to have roast meat together when we return to the mining site.” Paliwanag pa nito.

Ang unang gemstone ay mayroong timbang na 9.27 kg habang ang ikalawa naman ay 5.103 kg ayon sa mines ministry spokesperson. Ayon pa sa ilang mga kamag-anak ni Laizer, 52 taong gulang, nagbabalak raw itong mag-organisa ng kasiyahan at maghanda sa kanilang lugar.