Isang migrant worker ang naglalakad patungong subway tuwing gabi para lamang makausap ang kaniyang asawa at pamilya!

Hindi madali ang mawalay sa iyong pamilya lalo na sa panahon ngayon. Talaga namang kung lalayo ka o mangingibang-bansa ay marami kang mga bagay na hindi na mararanasan pa kasama ang iyong pamilya.

Maraming mga magulang ang hindi na nakikita ang paglaki ng kanilang mga anak. Mayroon din namang ilang mga anak na hindi na nakakasama pa ang kanilang mga magulang at kapamilya sa mga espesyal na okasyon.

Ngunit para sa migrant worker na si Ge Yuanzheng mula sa Tsina, wala siyang hindi kayang gawin at tiisin para sa kaniyang pamilya. Sa ngayon ay nasa Shanghai siya para magtrabaho.

Kumikita siya ng 200 to 300 yuan ($31 to $46) o halos Php1,599 hanggang Php2,372. Tulad ng maraming mga magulang ay nais din niya talagang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kaniyang pamilya.

Kung kaya naman lahat ng pagtitipid ay kaniyang ginagawa. Siya ay nakatira sa isang dormitoryo kasama ang kaniyang mga katrabaho.

Ang tanging gastos lamang niya ay ang mga importanteng bagay at kailangan talaga. Hindi siya bumibili ng kahit ano mang luho.


Kahit nga ang “internet package” ay hindi niya nais pag-aksayahan ng pera kung kaya naman tuwing gabi pagkatapos niya sa kaniyang trabaho ay naglalakad siya patungong subway upang doon na lamang gumamit ng internet. Maganda ang internet connection sa subway na ito at higit sa lahat ay libre pa.

Ayaw daw niyang mag-aksaya ng pera sa internet ngunit miss na miss na raw niya ang kaniyang pamilya kung kaya naman talagang sinisikap niyang makausap sila palagi. Minsang may nakakita sa kaniya at kinuhanan siya ng larawan, ibinahagi ang kaniyang larawan online na agad namang nakita ng kaniyang asawa.

Nahabag ito sa sitwasyon ng kaniyang mister ngunit laking pasasalamat din naman nito dahil siya ay ligtas at malakas. Sa kaniyang pamamalagi sa Shanghai, hindi siya pumasyal kahit minsan dahil ayaw niyang gumastos.

Sa halip ay mas nais niyang ipadala na lamang sa kaniyang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *