Isang matapang na pusa, iniligtas ang limang kuting nang magkaroon ng matinding sunog sa kanilang garahe!

Marami na tayong nababasa, napapanuod, at nababalitaang kabayanihan ng maraming mga Pilipinong kababayan natin sa loob at labas ng bansa. Talaga namang nakaka-proud para sa atin dahil nagpapatunay lamang ito kung gaano tayo katapang sa pagharap sa mga matitinding sitwasyon na ito.

Hindi tayo nagiging makasarili at hindi tayo nagiging sakim lalo na kung kapakanan at kaligtasan ng ibang tao na ang pinag-uusapan. Ngunit hindi lamang pala ang mga taong tulad natin ang kayang magligtas ng kanilang kapwa dahil ang pusa na ito ay nagawa ring magligtas ng limang mga kuting nang minsang may maganap na matinding sunog sa kanilang garahe.

Isang bumbero ang nakasaksi sa kabayanihan ng pusang ito sa Brooklyn. Talaga namang napakatapang nitong hinarap ang matinding sunog mailigtas lamang ang limang mga kuting.

Agad namang rumesponde ang mga bumbero at natupok ang apoy. Saad ng ilang mga bumbero doon, habang ginagawa nila ang kanilang trabaho ay napansin ng isang bumbero na si David Gianelli ang isang pusa na mayroong bitbit na mga kuting.

Isa isa niyang inilalabas ang mga kuting mula sa nag-aapoy na garahe ng bahay. Nang mailabas na niya ang limang mga pusa ay tila sinusuri at tinitingnan pa niya ang mga ito kung buhay pa hanggang sa nawalan na rin ng malay ang matapang na pusa.

Hindi nito alintana ang matinding sunog na kaniya ring tinamo mailigtas lamang ang mga kuting na ito. Agad din namang dinala ni Gianelli ang mga pusa sa isang veterinary clinic sa “The North Shore Animal League” sa Port Washington, New York.

Isa sa mga kuting ang hindi na nakaligtas at binawian na ng buhay. Ang matapang na pusa naman ay pinangalanang Scarlett ay matapos ang halos tatlong buwan ay naka-recover na ang mga ito.

Inampon ni Karen Wellen si Scarlet na tinuring niyang bahagi ng kaniyanga pamilya. Naging biktima na rin noon ng isang aksidente sa kalsada si Karen kung saan nasawi ang kaniyang alagang pusa.

Gusto niya talagang mag-alaga ng mga hayop na mayroong espesyal na pangangailangan tulad ni Scarlet.