Isang matandang mag-asawa na tila namamaalam na sa isa’t-isa, nagpatunay na totoo nga ang “true love”!

Pag-ibig, isang maiksing salita lamang ngunit talaga namang makapangyarihan. Kahit sa banal na aklat ay madalas na nababanggit ang salitang ito.

Napakasarap marinig mula sa taong minamahal natin na mahal din nila tayo. Ngunit hanggang saan nga ba ang kaya nating gawin upang mapatunayan na ang ating pag-ibig ay wagas at totoo?

Kamakailan lamang ay talagang naging emosyonal ang marami nang makita ang video ng ito ng isang matandang mag-asawa na nakaratay na sa banig ng karamdaman. Ayon sa mga nauna nang ulat, ang video na ito ay kuha sa intensive care unit sa Xindu No.3 People’s Hospital sa Chengdu, Sichuan province.

Makikita ang matandang lalaki na nakilala sa pangalang Zhang na nakahawak sa kamay ng kaniyang asawang si Wen. Si Zhang ay 85 taong gulang na at kinailangang ipasok sa ospital dahil na rin sa coronary heart dis3ase, chronic pulmonary obstructive dis3ase (COPD) at kanser sa baga.

Samantalang ang kaniyang misis naman na si Wen ay mayroong Alzheimer’s disease at kinailangang isugod sa ospital matapos itong mahirapan sa paghinga at mahimatay. Hiniling mismo ni Zhang na muling makita ang kaniyang asawa sa kabila ng kanilang mahirap na kalagayan ngayon.


Dahil sa pagnanais ng mga doktor na mapabuti man lamang ang kalooban ng mag-asawa ay hinayaan nilang magkita ang dalawa kahit saglit. Maaari din daw kasing ito na ang huling pagkakataon na magkakasama ang dalawa.

Dahil na rin sa kondisyon ni Zhang ay nahawakan lang niya ang kamay ng kaniyang kabiyak ng ilang minute. Yun lang din naman ang kailangan ni Wen ng mga oras na iyon. Nang sumunod na araw ay pumanaw na si Wen habang si Zhang naman ay nagpapagaling pa rin sa ospital.

Maaaring simpleng bagay lamang para sa iilan ang maiksing panahon na pagkikita nila ngunit kahit papaano ay nakapagpaalam sila sa isa’t-isa bago pa man lumisan si Wen. Kahit paano ay masaya na rin ang kanilang mga anak dahil batid nilang kahit sa kahuli-huling sandali ay naging tunay at wagas ang pag-ibig ng kanilang mga magulang sa isa’t-isa.