Isang matandang lola sa Mt. Province, ginulat ang publiko dahil sa kakayahan nitong magsalita at makipag-usap ng Ingles kahit na hindi naman siya nakapag-aral ng elementarya at hayskul!

Marahil ay marami na sa atin ngayon ang nakakarinig sa mga kabataan na talagang “fluent” o bihasa na sa pagsasalita ng ilang mga banyagang wika tulad na lamang ng Ingles. “Universal language” kung tawagin ang wika na ito dahil kahit saang bansa sa buong mundo ka pumunta ay tiyak na mayroong makakaintindi sa iyo kung marunong kang magsalita ng Ingles.

Maging sa pag-aaral ng mga estudyante o di kaya naman ay para sa promosyon sa trabaho ay talagang kinakailangan ang kaalaman sap ag-Iingles. Ito na nga marahil ang ilan sa mga dahilan kung kaya naman mas marami nang mga tao ngayon ang nagsusumikap na mag-aral na magsalita at makipag-usap gamit ang wikang Ingles.

Marami pa nga ngayon ang bumibili ng maraming mga libro na Ingles o di kaya naman ay nag-aaral ng lenggwaheng ito sa pamamagitan ng mga ESL tutors. Talagang pinaglalaanan nila ito ng panahon at salapi.

Ngunit maniniwala ba kayo na hindi na kailangan pang mag-aral ng isang lola sa Mt. Province para lamang matutong mag-Ingles? Siya ay nakilala bilang si Lola Erlinda Doyog, 76 taong gulang, o mas kilala rin sa kaniyang palayaw na “Lola Englisera”.

Marami ang namangha sa pagiging natural niya sa pagsasalita ng Ingles kahit pa nga ang katotohanan ay hindi siya nakapag-aral ng elementarya at hayskul. Diumano ay natuto lamang si Lola Englisera at ilan pang matatanda sa naturang lugar ng pagsasalita ng Ingles mula sa mga misyonaryong Amerikano na pumupunta sa kanilang lugar upang magpalaganap ng Kristiyanismo.


Bagamat marami sa mga matatanda sa Mt. Province ang nakakapagsalita at kayang makipag-usap gamit ang wikang Ingles, nakakalungkot namang isipin na hirap silang magsalita gamit ang sairling wika natin, ang Filipino. Marahil nagbukas na rin ito sa kaisipan ng maraming mga Pilipino lalo na ng mga kabataan sa ngayon na hindi naman kailangang gumastos ng malaki para lamang matuto.

Kayang-kaya natin ito basta’t magiging pursigido lamang tayo na matupad ang nais nating gawin sa buhay.