Isang matandang lalaki ang palaging namamataan sa beach na may kasamang larawan araw-araw sa loob ng pitong taon!

Taong 2018 nang makita ng isang pizza shop owner ang matandang lalaki na ito. nakaupo siya sa gilid ng dagat na mayroong hawak na isang larawan ng kaniyang asawang pumanaw taong 2011. Ang may-ari ng Italian pizza shop na si Giorgio Moffa, 54 taong gulang ang palaging nakakakita sa matandang lalaking ito.

Minsan daw ay nagkakataon pang nakikita niya ito na yumuyuko na lamang at umiiyak sa tuwing hindi na nito napipigilan pa ang kaniyang emosyon. Dahil dito ay hindi na nagdalawang-isip pa si Moffa na kuhanan siya ng larawan at ibahagi ito online.

Agad din namang kumalat ang larawan na ito ng matanda na umantig sa puso ng publiko!

“A few days ago, I didn’t know this splendid person. I only know that his was certainly a great love. I saw him cry, and I believe that men like this aren’t born anymore.” Pahayag ni Moffa.

Ang matandang lalaki pala na ito ay ang 70 taong gulang na si Giuseppe Giordano. Pumanaw ang kaniyang kabiyak dahil sa sakit na kanser taong 2011.

Nang makilala niya ang misis niyang si Ida ay 16 na taong gulang pa lamang siya habang si Ida naman ay 17. Sa taon ding iyon ay nagpakasal sila.

Sa edad na 20 taon ay nabuntis ang kaniyang misis hanggang sa nagkakaroon sila at nabiyayaan ng dalawang mga anak. Sa loob ng 50 taon ay nagkasama silang dalawa kapiling ang binuo nilang pamilya.

Ang lugar kung saan palaging nakaupo si Giordano ay ang lugar kung saan palaging pumapasyal noon ang mag-asawa. Hilig daw talaga ni Ida ang karagatan kahit noon pa man.

Kakaibang saya ang nararamdaman niya sa tuwing pinapanuod niya ang paglubog ng araw kung kaya naman sinama ni Giordano ang larawan ng kaniyang asawa.

“I take Ida’s photo with me because then I will feel that she is still with me, and I will not be so alone. Ida is everything to me. For our generation, love is all.” Komento ni Giordano.