Isang matalinong dolphin ang palaging nagdadala ng mga kakaibang regalo mula sa ilalim ng dagat!

Noon pa man ay batid na natin na isa sa pinakamatalinong hayop sa buong mundo ay ang mga dolphins. Talaga nakakamangha ang pagiging bibo nila na madalas din nating masaksihan sa maraming pagkakataon.

Isa na sa kanila ang dolphin na nakilala sa pangalan na Mystique. Siya ay isang humpback dolphin na talaga namang gustong-gusto na nagdadala ng mga regalo mula sa kailalim ng dagat kapalit ng pagkain.

Palagi niyang dinadala ang mga kakaibang bagay na ito sa mga volunteers ng Barnacles Dolphin Centre sa Queensland, Australia. Ito ay mga bagay na mula pa sa ilalim ng karagatan tulad na lamang halimbawa ng mga corals at mga lumang bote.

Ang naturang lugar ay isinara dahil na rin sa panganib na dulot ng pandemya ngunit mas lalo pang dumalas ang pagdadala ni Mystique ng mga regalong ito.

“Mystique is doing well, keeping the pod in line, but it’s quite clear that he is missing the attention from the public, he has been a big show-off the past few weeks.” Pahayag ng isa sa mga staff ng center.

Sa tuwing may dadalhin daw sa kanila ang dolphin ay palagi itong nakakakuha ng atensyon at papuri mula sa mga tao roon at isda na rin na kaniyang makakain. Siya rin daw ang katangi-tanging dolphin na nagdadala ng mga regalong ito sa kanila.

Tunay nga raw na napakatalino nito at napakabibo ngunit minsan ay may pagkakulit o pagkapilyo rin.

“He brings us in all sorts of things like planks of wood, corals, old glass bottles, sea sponges, and rocks, ranging in all sorts of shapes and sizes.” Komento ng isa pang staff.

“He had always brought us gifts, but only since the lockdown closure has he been bringing in multiple gifts each morning.” Dagdag pa ng isa.

Tunay ngang nakakatuwang malaman ang mga ganitong gawi ng mga hayop sa ating paligid. Aakalain mo talagang mayroon silang sariling kaisipan patungkol sa maraming mga bagay.