Isang matalinong aso ang mag-isang tumutulong sa kalabaw na ito upang makauwi na sila matapos ang gawain nila sa bukid!

Marami sa atin ang talagang gustong nag-aalaga ng mga hayop dahil sa dami ng mga benepisyong maaari nating makuha rito. Nariyan na ang kaligayahan na naidudulot sa atin ng mga cute na pets na ito.

Nakakabawas o nakakatanggal din ng stress ang pag-aalaga ng mga hayop. Mas naging responsible tayo at disiplinado dahil hindi naman lahat ng tao ay talagang kayang mag-alaga at magpalaki ng mga hayop.

Kamakailan lamang, mayroong isang Labrador na talagang hinahangaan ng marami. Hindi kasi ito basta basta isang aso lamang. Bagkus ay isang mapagkakatiwalaang bantay.

Sinong mag-aakala na magiging responsable ang asong ito sa pagtulong sa isang kalabaw upang makauwi sila ng ligtas sa kanilang tahanan? Ayon sa amo ng kalabaw at asong ito ay sinanay talaga niya ang kaniyang aso na bantayan ang kaniyang alagang kalabaw.

Sa tuwing matatapos ang kanilang gawain sa bukid ay nakakaya na rin nilang umuwi nang magkasama. Ngunit isang araw, tila nagutom yata ng husto ang kalabaw na naging dahilan upang magpahinto-hinto sila sa daan nila pauwi.


Dito na agad na umaksyon ang aso at talagang hinila ang kalabaw na kumakain pa ng kumain ng mga sariwang damo. Hindi alintana ng kalabaw na malapit nang dumilim at tiyak na mas magiging mapanganib ang daan nila pauwi.

Ngunit para sa asong ito ay talagang gagawin niya ang lahat masiguro lamang ang kanilang kaligtasan. Maya-maya pa ay tila nabusog na ang kalabaw at sumunod na sa aso hanggang sa makauwi na sila ng ligtas sa kanilang tahanan.

Hindi naman din lubos akalain ng kanilang amo na mararanasan ng kaniyang alagang aso ang ganitong sitwasyon ngunit ganoon pa man ay talagang natutuwa siya dahil batid ng kaniyang alaga kung ano ang gagawin sa kaniyang alagang kalabaw na hindi hamak na mas malaki pa sa kaniya. Tunay ngang maaasahan talaga ang mga alaga nating hayop lalo na kung itinatrato natin sila ng tama hindi ba?