Isang maswerteng lalaki ang nakakita ng two-carat diamond na ito sa Crater of Diamonds State Park!

Nakakatuwang maranasan ang magagandang bagay na dulot ng ating pagsusumikap at pagtitiyaga sa buhay hindi ba? Tulad na lamang ng naging karanasan ng 26 na taong gulang na si Christian Liden na noon pa man ay pinangarap nang makahanap ng mga bato na kaniyang magagamit para sa kaniyang engagement ring.


At makalipas nga ang limang taon ay nakakaipon na siya ng mga magaganda at mamahaling bato na siya mismo ang nakahanap. Kamakailan lamang ay napabilang siya sa isang “mining excursion” sa Arkansas.

Ang lugar ay Crater of Diamonds State Park kung saan mas makakakita siya ng mga bato na kaniyang kinokolekta. Kasama niya ang isa sa kaniyang mga kaibigan na kasama din niyang nag-ayos ng mga kagamitan na kakailanganin nila para sa kanilang pupuntahan.

May 1 nang sila ay umalis patungong Arkansas at nakarating sila dito pagkatapos lamang ng anim na araw.
“We spent about an hour in the field that afternoon and returned early the next morning to mine all day.” Pagkukwento ni Liden.

Naging mapalad naman sila dahil nakahanap sila kaagad ng mamahaling bato na diamond.

“I saw it shining as soon as I turned the screen over and immediately knew it was a diamond. I was shaking so bad, I asked my buddy to grab it out of the gravel for me!”

Hindi rin nagtagal at kinumpirma ng mga staff na ang nahukay niyang diamond ay isang malaki at dilaw na diamond. Ayon naman sa secretary ng Arkansas Department of Parks, Heritage, and Tourism ay nasisiyahan daw silang marinig ang mga kwento ng kanilang mga nagiging bisita na nakakahanap ng mga bihirang bato sa kanilang lugar.


Isa din daw ito sa mga hindi malilimutang alaala ng kanilang mga bisita kung saan nagiging bahagi rin daw sila nito. May bigat na 2.20 carats ang diamond na natagpuan ni Liden.

Ito na raw ang pinakamalaking natagpuan sa naturang park mula pa noong Oktubre. Ayon naman kay Assistant Superintendent na si Dru Edmonds, ang light yellow diamond na natagpuan ni Liden ay mayroong hugis na pa-tatsulok.

Makinang din daw ito at mayroong metallic luster. Dagdag pa niya, namamangha siyang malaman ang kwento ni Liden kung bakit talaga siya naghahanap ng mga bihirang mga bato na ito.

Bata pa raw si Liden ay nais na niyang magkaroon ng espesyal na singsing ang magiging kabiyak niya. Kung kaya naman nagpursige siyang makahanap ng mga bato na ito. Isang bisita rin sa park ang nakakita ng 4.49 carat yellow diamond.