Isang masipag na estudyante mula sa Indonesia, handang magbuhat ng mabibigat na semento para lamang makatulong sa kaniyang mga magulang!

Madalas akala siguro ng mga magulang, balewala sila sa kanilang mga anak. Ngunit hindi nila napapansin na nag-aalala na rin pala ang kanilang mga anak dahil sa walang sawa nilang pagsasakripisyo at pagtatrabaho para sa pamilya.

Tulad na lamang halimbawa ng isang estudyanteng ito mula sa Indonesia. Namataan siyang nagbubuhat ng mga sako ng semento mula sa isang truck patungo sa isang construction site.

Kalaunan ay nakilala siya bilang ang teenager na si Nur Halisa. Isa-isa niyang kinakarga at binubuhat ang mga sako ng semento sa kaniyang likuran.

Sa unang tingin ay hindi mo aakalain na isa pala siyang babae ngunit mamamangha ka talaga dahil sa kaniyang pambihirang dedikasyon at lakas.

“Learning to enjoy what you have, it will make your life more valuable. Don’t forget to be grateful and help your parents,” Pahayag ni Nur Halisa.

“I’m sorry to see my parents working, that’s why I want to help them both. While there is still time, be devoted to your parents. Don’t forget to be grateful for your chances of helping them,” Komento pa niya.

“So I work as a cement lifter because they feel sorry for my parents still working. I want to help them and have fun with them.” Dagdag pa niya.

Nais din daw niyang maging mapagpasalamat ang mga nakapanuod ng kaniyang video kaysa ang magreklamo sa buhay na mayroon sila. Mas mainam na tulungan ang kanilang mga magulang kaysa hayaan na lamang ang mga ito na maghirap at magsakripisyo para sa kanilang pamilya.

@nurhalisa1__ prosesnya memang berat, tapi hasilnya tak kalah hebat, insyaallah jgn lupa bersyukur bantu orang tua 😇🙏@nrhlisa25_ #kerjakeras #doaibuselamanya #fyp #viral #casis #pejuangrupiah #fypシ #tiktok #trending #foryoupage ♬ suara asli – Nur Halisa6775 – Nurhalisa1

“Everything needs a process. Even if it is heavy, but the result is no less great, InshaAllah, do not forget to be grateful for helping your parents,” Caption ni Nur Halisa sa kaniyang TikTok page. Mayroon nang 5.8 million views ang kaniyang video at nakatanggap na rin ito ng 848.8K likes, 21.1k comments, at 8,636 shares.