Isang masipag na 11-anyos na bata, gumising ng maaga upang magtanim at umani ng mga pakwan at masigasig din sa kaniyang pag-aaral!

Noon pa man ay marami na sa atin ang talagang pinapangaralan ng ating mga magulang na ang edukasyon ang isa sa mga kayamanan na maipamamana nila sa atin. Hindi tulad ng pera o anumang materyal na bagay ay hindi rin daw ito mananakaw sa atin ninuman.

Dahil dito ay talagang marami sa atin ang nagsumikap at nagpagal ng husto upang makapagtapos ng pag-aaral at matupad ang pangarap ng kanilang mga magulang. Kamakailan lamang ay naantig at namangha ang publiko sa istorya ng 11 taong gulang na bata mula sa Concordia, Argentina.

Sa murang edad ay nangarap na siyang maging isang magsasaka tulad ng kaniyang ama. Talagang gustong-gusto niyang magkaroon ng sarili niyang traktora.

Ang kaniyang mga magulang na sina Laura at Christian ay nagmamay-ari ng isang maliit na lupa kung saan sila nagsasaka. Isang araw ay bigla na lamang napagdesisyon ng kanilang anak na magtatanim raw siya ng mga pakwan upang makaipon siya ng perang gagamitin niya upang mabili niya ang pangarap niyang traktora.

“He would get up at five in the morning to go to the fields, and he never stopped studying. He loves the land and is very hardworking,” kwento ni Laura.
Bagamat mahirap ang ganitong sitwasyon at talagang kakailanganing magsakripisyo ng kanilang anak ay talagang hinayaan nila ito at sinuportahan sa kaniyang desisyon.

“Even though it was a big sacrifice for him, he did it with love, and God helped us to get a good harvest, despite the drought and weather. He got good results. We planted a little, one and a half acres,”dagdag pa ni Laura.

Sa ngayon ay marami nang naitanim at naaning pakwan ang batang si Francisco sa gabay na rin ng kaniyang ama. Abala man sa trabahong ito ay hindi niya pa rin pinababayaan ang kaniyang pag-aaral.

At dahil dito ay talagang nagsilbi siyang inspirasyon sa maraming mga kabataan na walang imposible kung talagang magsusumikap sila sa buhay.