Isang mascot na “Pooh”, tumulong sa isang nanay na pangitiin ang anak niyang may kapansanan kung kaya naman talagang labis labis ang pasasalamat nito!

Ang nanay na si Jessica Barber ay mayroong 18 buwang gulang na anak na lalaki. Nang minsa silang magbakasyon sa Disney World Florida ay talaga namang nag-uumapaw ang kaniyang kaligayahan dahil sa isang Pooh bear mascot ang lumapit sa kaniyang may kapansanan na anak upang ito ay mapangiti.

Sa ngayon, ang kanilang video ay mayroon nang higit sa 20 milyong views at patuloy pa rin umaantig sa puso ng maraming mga netizens.

”For those of you who have disabled children know the feel when people look but aren’t sure how to interact with your kiddo. This Winnie the Pooh melted my heart and knew exactly what to do! He spent 10+ minutes with our little guy and he loved every second of it. Thank you Pooh!” Pahayag ni Jessica.

Sa naturang video ay makikita kung paano laruin ng mascot ang bata. Hinahawakan din nito ang buhok at kamay ng bata na talaga namang tuwang-tuwa rin sa kaniya.

Nagulat daw ang ina nang puntahan sila ng mascot. Halos sampung minuto rin daw ito nagtagal sa kanila.

Nilaro ang kaniyang anak at talagang hindi binitawan ang kaniyang mga kamay. Napakalma rin daw ng mascot ang kaniyang anak.
Hindi niya lubos akalain na ang kaniyang anak na mayroong sakit na “cerebral palsy” ay magagawa pang ngumiti at makagawa ng ekspresyon sa kaniyang mukha. Sa paglipas ng panahon, marami nang mag pamilya sa ngayon ang nakararanas ng panghuhusga mula sa mga tao sa kanilang paligid dahil lamang mayroon silang kapamilya na mayroong kapansanan.

Sana ay maisip ng marami na kailangan din naman nila ng suporta, pang-unawa, at respeto mula sa ating lahat lalo na sa panahon na mayroong mga hindi inaasahang problema sa kanilang mga mahal sa buhay na may kapansanan. Wala rin namang ibang makakatulong sa kanila kundi tayo rin upang kahit papaano ay gumaan ang kanilang nararamdaman at mga pinagdaraanan sa buhay.