Isang mapalad na asong nakaligtas sa sunog, binantayan ng husto ang nasunog nilang tahanan hanggang sa wakas ay makauwi na ang kaniyang amo makalipas ang isang buwan!

Wala nang mas hihirap pa sa masunugan ng bahay. Madalas ay maririnig pa natin sa ating mga kababayan na mas mainam pang manakawan kaysa ang masunugan dahil talaga namang napakahirap ang magiging pagbangon mula sa trahedyang ito.

Mayroong iilan sa atin ang talagang nakaranas na nito tulad na lamang halimbawa ng isang residente mula sa California. Nawala ang lahat ng naipundar niyang bahay at mga ari-arian dahil sa pagtupok ng sunog.

Itinuturing itong isa sa pinakamapaminsalang wildfire sa kasaysayan ng California na kumitil sa buhay ng halos 85 katao. Kinailangang lumikas ng mga residente kabilang na si Andrea Gaylord kasama ang 26,000 pang mga katao.

Talagang maraming tahanan ang natupok at naging abo dahil sa sakunang ito. Maraming nawalan ng kanilang mga tirahan tulad ni Andrea ngunit ang pinakanais niyang maisalba sana ay ang dalawa niyang alagang aso na sina Miguel at Madison.

Hindi nagtagal at nalaman naman ni Andrea na nailihyas pala ng volunteer na si Shayla Sullivan ang asong si Miguel. Madalas ding nagdadala ng pagkain at inumin sa natupok na tahanan nina Andrea si Shayla sa pagbabakasakaling makita niya ng isa pang aso na si Madison.

Maging ang kapirasong damit ni Andrea ay inilagay niya rin dito upang maamoy nito.

“I had sighted Madison a few times deep in the Canyon but knew he took his job seriously and wasn’t going to be an easy catch. After meeting Gaylord in person when I took Miguel to her, I had the idea of placing an article of clothing that would smell like her (I hugged her) to keep Madison’s hope alive until his people could return,” pahayag ni Shayla.

Makalipas ang isang buwan at pinayagan na ang muling pagbalik ng mga residente sa lugar. Nang balikan ni Andrea ang kanilang tahanan ay laking gulat niya nang makita niya na naroroon si Madison at tila naghihintay sa muli niyang pagbabalik.

“Well, I’m so happy to report that Gaylord was allowed to return to her property today and there Madison was! He had stayed to protect what was left of his home, and never gave up on his people!” Dagdag pa ni Shayla.

Sa ngayon ay masaya nang magkakasama sina Andrea, Miguel, at Madison.