Isang mapagmahal na lolo muling nakasama ang kaniyang apo makalipas ang 15 taon, masayang ibinahagi ang larawan ng kaniyang apo na noon ay 5 taong gulang pa lamang!

Marami sa mga kabataang Pilipino ang lumaki sa kanilang mga lolo at lola. Naging bahagi na ng ating kultura ang pagiging malapit natin sa ating mga kaanak lalo na sa mga nakakatanda sa ating angkan.

Maraming mga lolo at lola ang masayang nag-aalaga at nagpapalaki ng kanilang mga apo dahil na rin ang mga anak nila ay nagtatrabaho sa malalayo lugar kung kaya naman sila na mismo ang nag-aalaga sa kanilang mga apo. Kamakailan lamang ay muli na namang binalikan ng ilang mga netizens ang larawan na ito ng isang lolo na talagang napakaganda ng ngiti habang ipinapakita ang larawan ng kaniyang cute na apo.

Ang apo niyang ito ay walang iba kundi si Gianne Pineda. Halos 15 taon din silang hindi nagkita ng kaniyang lolo.

At nang magkita na nga sila ay laking gulat niyang may larawan pala siya noon sa kaniyang lolo. Limang taong gulang pa lamang siya ng mga panahong iyon ngunit talaga namang malapit na malapit na siya sa kaniyang lolo.

Hindi rin naman alintana ng lolo na matakpan ng larawan ni Gianne ang kaniya mismong larawan dahil proud na proud talaga siya sa kaniyang apo. Mayroon pa silang isang larawan kung saan makikita namang karga karga ng lolo ang kaniyang apo.

Napakasarap balikan ng mga alaalang ito. Isa na marahil sa pinakamasayang yugto ng ating buhay ang buhay natin kasama ang ating mga mahal na lolo at lola.

Wala silang ibang nais kundi ang ikaliligaya nating mga apo nila. Hanggang ngayon naman ay marami pa ring mga kabataan ang malalapit sa kanilang mga lolo at lola.

Ngunit dahil na rin sa pagbabago ng panahon ay mas dumarami na din ang mga kabataang nakapokus na lamang sa mga bagong gadgets at social media. Sana ay hindi rin natin makaligtaan na tumatanda at humihina na rin ang ating mga mahal na lolo at lola kung kaya naman huwag dapat natin sayangin ang sandali na sila ay mapasalamatan at mas lalo pang mahalin.