Isang mapagmahal na anak ang bumuhat sa kaniyang ama ng 12 kilometro, para lamang mabakunahan ito!

Usap-usapan ngayon sa social media ang nakakaantig na kwento ng mag-ama na ito na talagang umantig sa puso ng publiko. Si Tawi Zoe, 24 na taong gulang mula sa isang tribal community sa Amazon, Brazil.


Hindi niya alintana ang hirap at sakripisyon madala lamang ang kaniyang amang si Wahoo Zoe, 67, sa kanilang vaccination site. Ang nagbahagi ng kanilang larawan online ay walang iba kundi si Dr. Eric Jennings Simoes na siya ring kumuha ng kanilang larawan.

Ayon sa impormasyong kaniyang ibinahagi ay nakita niyang buhat ni Tawi ang kaniyang ama na mayroong karamdaman sa paningin at mayroon ding chronic urinary problem. Ito ay ilan lamang sa dahilan kung bakit hindi na nakalakad pa si Wahoo.


Talaga namang nakakabilib ng husto si Tawi dahil hindi niya alintana ang hirap nang lakbayin niya ang ilang burol, lambak, at iba pang mga mahihirap na daanan matunton lamang nila ang lugar nang bakunahan. Anim na oras din siyang naglakbay patungo roon at anim na oras pang muli pabalik sa kanilang tahanan.


Ayon naman sa doktor na si Dr. Simoes ay napakahirap talaga ng proseso ng bakunahan sa ibang mga lugar lalo na sa mga liblib na lugar. Sa kasalukuyan ay mayroon nang naitala na 853 kataong nasawi sa lugar na ito dahil sa pandemya ngunit hinihinala nilang mas marami pa ang bilang nito.

Samantala, Setyembre 2021 ay pumanaw na si Wahoo habang ang kaniyang mapagmahal na anak at nagkakumpleto naman ng dalawang dose ng bakuna. Tunay nga na madalas ay hindi natin nabibigyan ng halaga ang mga bagay na mayroon tayo ngayon.

Lingid sa ating kaalaman na talagang marami pang tao sa ibang panig ng mundo na mas hirap at mas marami pang pinagdaraanan kumpara dito sa atin sa Pilipinas. Basta’t lagi nating tatandaan at huwag huwag sana nating kalimutan na hindi tayo bibigyan ng mahirap at masakit na problema na hindi natin kaya.