Isang mangingisda, nakadiskubre sa isang bihirang orange pearl na nagkakahalaga ng $330,000 o katumbas ng mahigit 16.7 milyong piso!

Parang nanalo na rin sa lotto ang isang mangingisda na ito mula sa Thailand matapos siyang makadiskubre ng isang kakaiba at bihirang orange pearl na nagkakahalaga ng $330,000 o katumbas ng mahigit 16.7 milyong piso! Enero 27 noon nang nagdesisyon ang magkapatid na Hatchai Niyomdecha, 37 taong gulang at si Worachat Niyomdecha, 35 taong gulang na magtungo sa Nakhon Si Thammarat sa “Gulf of Thailand”.

Dito ay nakakita sila ng isang bagay na palutang-lutang at nang kanilang silipin ay marami itong mga shellfish sa loob. Agad namang kumuha ng tatlong suso ang magkapatid upang may pagkain sila kalaunan ngunit ang kanilang ama na si Bangmad Niyomdecha, 60 taong gulang ay hindi lamang ordinaryong shellfish ang natagpuan.

Nakakita kasi ang kanilang ama ng isang kakaibang orange pearl na makikita sa Melo melo sea snail kumpara sa ibang mga perlas na sa oyster nakikita. Mas matagal at mas maraming taon din daw ang kailangang palipasin upang lumaki ng husto ang mga ito kumpara sa ordinaryong mga perlas.

Ayon naman sa isa sa magkakapatid na si Hatchai, marahil daw ay nakatadhana silang makakita ng naturang perlas dahil na rin sa sobrang kahirapan na kanilang dinaranas. Ito na marahil ang kasagutan sa matagal na nilang dalangin.
“An old man in white with a long mustache told me to come to the beach so I can receive a gift. I think he led me to finding the pearl,” Pagsasalaysay niya patungkol sa kaniyang naging panaginip noon.

Nais niya raw ibenta ang perlas sa pinakamataas na halaga na maaari niya itong maibenta. Hindi lamang buhay niya ang mababago nito kundi maging ang buhay ng buo niyang pamilya.

Mayroon na raw tatlong katao ang nagtungo sa kanila upang bilhin ang naturang perlas ngunit binabarat lamang nila ito kung kaya naman hindi sila pumayag. Hanggang sa mayroon silang nakausap na buyer mula sa China na handang bilhin ito sa halagang $10 million Baht (about $332,000).