Isang mangingisda, naging instant milyonaryo nang makakita ng suka ng balyena sa dalampasigan!

Dahil sa nagdaang ilang taon ng pandemya, marami sa ating mga Pilipino ang talagang nasasabik na magkaranas muli na makapasyal sa beach at sa iba pang mga lugar na talaga namang nakakarelaks. Marami kasi talaga sa atin ang humaharap sa matitinding pagsubok, dahilan upang mapagod tayo ng husto hindi lamang ang pisikal nating pangangatawan kundi maging ang ating kaisipan.

Kung kaya naman marami talagang nagnanais na makapamahinga sa mga lugar na ito. Ngunit para sa isang ordinaryong mangingisda mula sa Thailand, kabuhayan ang dagat para sa kaniya at sa kaniyang pamilya.

Isang araw ay hindi niya akalaing may matatagpuan siyang ambergris sa dalampasigan ng Nakhon Si Thammarat. Hindi pala ito basta basta suka lamang ng isang balyena dahil ang kakaibang klase ng ambergris na ito ay umaabot ng $3.2 milyong piso o halos 162 milyong piso.

Sa unang tingin ay aakalain mong ordinaryong bato lamang ito ngunit ito pala ay mula mismo sa tiyan ng balyena! Makukuha lamang ang mga ito sa mga sperm whales.

Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang hilig kainin ng mga balyenang ito ay mga posit at cuttlefish ngunit madalas ay nahihirapan silang tunawin ito kung kaya naman gumagawa na lamang sila ng sticky substance upang maingatan ang kanilang mga bituka mula sa matatalas o matutulis na pagkaing nakakain nila. Ang mga ambergris na ito ay matagal na nabubuo sa tiyan ng mga balyena, halos ilang taon din ang inaabot bago nila ito isuka at kalaunan ay lulutang-lutang na nga ito sa dalampasigan.


Mayroon ding mga nagsasabi na talagang hindi kaaya-aya ang amoy nito na maikukumpara mo sa nabubulok na basura. Ngunit sa kabila ng mabahong amoy nito ay talagang nagkakahalaga ito ng milyong-milyon!

Maliban sa mapalad na mangingisdang ito ay mayroon ding napulot na ambergris ang isang bar owner sa Koh Samui Island na nagkakahalaga naman ng $500,000 o halos 25 milyong piso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *