Isang mahusay na wildlife photographer, nagkaroon ng engkwentro sa mga hayop na kung tawagin ay meerkat!

Si Nick Kleer ay isang “wildlife photographer” at “conservationist” mula sa South Africa. Sa kaniyang trabaho ay marami na siyang nakitang hayop at marami na rin siyang naging pambihirang karanasan kasama ang mga ito.

Tulad na lamang halimbawa ng kaniyang naging karanasan kasama ang mga hayop na ito na kung tawagin ay mga “meerkat”. Ibinahagi niya sa kaniyang Twitter account ang ilan sa kanilang mga videos at larawan na talaga namang pumukaw sa atensyon ng publiko.

“When you’re a wildlife photographer, the idea is to blend in with your environment so that you don’t scare off the animals.” Ito ang isa sa mga bagay na talagang ginagawa niya sa tuwing siya ay sasabak na sa trabaho.

Tunay nga na nagtagumpay siya sa layunin niyang ito dahil hinding-hindi natakot o nailang sa kaniya ang mga hayop na ito. Halos ilang pamilya rin ng mga meerkat at talagang masayang nakikisalamuha sa kaniya.

Kung ang ibang mga hayop sa kagubatan ay takot sa kapwa nila hayop lalo na sa mga tao, kakaiba ang pamilyang ito ng mga meerkat na talagang tila nakikipaglaro pa kay Nick. Tunay ngang namangha ang marami sa mga nakakatuwang larawan at videos na ito ng mga meerkats kasama si Nick.


“As you can tell, I got quite close to these incredible little creatures,” Komento ni Kleer sa kaniyang Instagram post.

Isa rin daw ang karanasan niyang ito sa mga hindi niya malilimutang sandali ng kaniyang buhay. Isang pribilehiyo din para sa kaniya ang pagkakataon na ito na mas makilala at makasalamuha sila ng malapitan.

Inilarawan din niya ang mga meerkats na ito bilang “the cutest creatures on the planet.” Sa mga kuha ni Nick ay makikita ang mga hayop na ito na naglalaro, natutulog, nagtataka sa maraming mga bagay at talaga namang nagiging “cute” lamang sa paningin ng maraming mga netizens.