Isang maganda at seksing modelo, pinili ang isang drayber kaysa sa mga mayayaman niyang manliligaw!

Pagdating sa isang relasyon, talagang magiging problema ang pinansiyal na usapin. Mayroong ilang mga magkakarelasyon na nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan dahil ang isa ay mas malaki ang kinikita o di kaya naman ay mayroong mas mataas na posisyon sa trabaho kaysa sa isa.

Habang ang iilan naman ay talagang nagkakaroon ng problema kung ang isa ay mayroong trabaho ang habang ang isa naman ay wala. Sa panahon natin ngayon, kaniya-kaniya na tayo ng sitwasyong kinalalagyan ngunit hindi rin naman natin maipagkakaila na pagdating sa pag-ibig, marami sa atin ang nagbubulag-bulagan.

Ngunit hindi ito ang pananaw at paniniwala ng isang maganda at seksing modelong ito. Dahil kahit pa nga drayber lamang para sa iba ang trabaho ng kaniyang minamahal, para sa kaniyang ay hindi ito kailan man naging hadlang upang hindi niya ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan.

Ang naturang modelo ay nakilala bilang si Jubjang Nutchanart Chaichan, 22 taong gulang at isang matagumpay na modelo. Ang kaniyang kasintahan naman ay nakilala ng marami bilang si Wutthichai Saeng-ngern na isang motor taxi driver.

Ang modelo pa mismo ang nag-post ng kanilang mga larawan online upang ipagmalaki ang kaniyang kasintahan. Hindi raw niya ito kinahihiya at kailan man ay hindi niya ito ikahihiya dahil batid daw niya kung gaano kasipag at kadeterminado sa buhay ang kaniyang nobyo.
Marami sa kaniyang mga tagahanga at ilang mga netizens ang nagsasabing tiyak na siya raw ang magiging breadwinner kung sakaling magpakasal at magkatuluyan na sila. Wala namang pakialam dito ang modelo bagkus ay buong puso niya raw itong tatanggapin kung gayun man ang mangyari.

Para sa kaniya, kayang-kaya nilang pagtulungan ang mga problemang darating sa kanilang buhay basta sila ay magkasama. Nasisiguro din niyang hindi magiging mitsa ng kanilang pag-aaway o pag-aalitan ang pera.

Bagkus ay sisikapin nilang dalawa na mas maging mapagmahal at maunawain para sa isa’t-isa.