Isang mag-asawa ang nag-recreate ng kanilang sweet na larawan na kuha noon pang 1992, kinakiligan ng publiko!

Madalas sabihin ng mga matatanda na ang pag-aasawa ay hindi isang kutsara ng mainit na kanin na kapag napaso ka sa pagsubo mo ay agad mong mailuluwa. Talagang kakailanganin mo ng mahabang pang-unawa at pasensiya upang maging matagumpay ang pagsasama ninyong ito.

Ito rin ay hindi isang laro na kapag napagod ka na at ayaw mo na ay maaari ka na lang umalis o magback-out bigla. Isa itong panghabang-buhay na desisyon kung kaya naman hindi tayo dapat magpadalos-dalos sa anumang desisyon natin sa buhay.

Kamakailan lamang ay nagpakilig sa marami ang isang mag-asawang ito na nag-recreate ng lumang larawan nila na kuha pa noong 1992. Ibinahagi ito ng kanilang anak sa social media na mayroong username na @raymonpuzon.

“So my parents asked me to take their picture so that they could recreate their picture in the same spot from the year 1992 ☹️❤️,” Caption niya.

Ang sweet na larawan na ito ay kuha noong 1992 sa isang marker sa Lingayen Beach kung saan makikita ang kaniyang ina na nakasuot ng isang pulang oversized tshirt habang ang kaniyang ama naman ay nakasuot ng isang brown na damit at mayroong puti na pants. Tunay ngang halos 30 taon na rin ang nakalipas ngunit ang kasiyahan at kagalakan sa kanilang mga mata ay naroroon pa rin tulad ng nasa larawan nilang kuha noong 1992.


Tunay nga na marami man tayong daanang pagsubok at hamon sa buhay, nasa sa atin pa rin ang huling desisyon upang manatili sa taong pinili nating mahalin habang buhay. Tiyak na masayang-masaya rin ang kanilang mga anak dahil sa paglipas ng panahon ay nananatili pa rin pag-ibig ng kanilang mga magulang para sa isa’t-isa.

Patunay lamang ito na kaya naman pala talaga nating pumili ng tamang tao at kaya din nating mapanatili ang nagliliyab na pag-ibig natin sa isa’t-isa. Talaga namang mapapa-sana all ka na lang sa couple goals ng mag-asawang ito, hindi ba?