Isang mag-asawa ang hindi inaasahang makakita ng isang palutang-lutang na dagat sa gitna ng karagatan!

Nitong mga nagdaang taon, talagang nalimitahan ang pamamasyal at pag-alis ng marami sa atin sa loob at labas ng bansa. Ito ay dahil na rin sa pandemyang nararanasan pa rin natin hanggang sa ngayon.

Ngunit kahit gaano man natin kagusto ang makapamasyal, wala tayong ibang kayang gawin sa ngayon kundi ang mas mag-ingat pa. Nitong mga nagdaang buwan ay marami na rin namang mga bansa ang nagbubukas ng kanilang mga pasyalan sa maraming mga turista lokal man o hindi.

Ngunit maliban sa mga pamamasyal na ito, iba pa rin ang saya na mararamdaman ninyo kung kayo ay namamasyal kasama lamang ang inyong mga mahal sa buhay. Tulad na lamang ng mag-asawang Annie at Ian Gilbert.

Noon pa man ay talagang hilig na nila ang mamasyal sa gitna ng karagatan. Ngunit isang araw ay hindi nila namalayan na bigla na lamang silang makakatagpo ng isang bagay na palutang-lutang sa katubigan ng Poole, Dorset.

Mayroon silang natagpuan na isang bola na sa unang tingin ay isang tipikal at ordinaryong bola lang naman. Ngunit nang kuhanin na nila ito at iahon mula sa tubig ay hindi nila akalain na pinagpipiyestahan na pala ito ng mga talaba.


Gusto sana ng mag-asawa na kuhanin at itago ang naturang bola na punong-puno ng mga talaba ngunit napagdesisyunan na lamang nilang ibalik ito sa tibog. Tunay ngang nakakamanghang makakita ng ganito kadaming talaba na nakadikit sa isang bola habang palutang-lutang ito sa gitna ng dagat.

Ngunit hindi rin natin dapat kaligtaan ang problema natin pagdating sa kalat, basura, at mga plastic sa karagatan. Ito ang madalas na nagiging sanhi ng polusyon at pagkakasawi ng maraming mga hayop sa ilalim ng dagat.

Maging tayong mga tao ay naaapektuhan na rin nito kung kaya naman hindi dapat tayo maging kampante at gawin natin ang lahat upang makatulong sa pagprotekta sa ating kapaligiran.