Isang mabait na pulis, iniligtas ang isang kuting na naipit sa makina ng dyip!

Marahil karamihan sa atin ay walang alam patungkol sa lalo pang pagdami ng mga inaabandonang hayop sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ang kawawang mga hayop na ito ay walang mapuntahan kundi ang lansangan lamang kung saan nalalagay sa peligro ang kanilang mga buhay.

Tulad na lamang ng isang kuting na ito na natagpuan ng isang pulis sa mismong makina ng isang dyip! Nakatanggap ng tawag ang isang police officer sa Charleston, South Carolina. Siya ay nakilala bilang si Officer C. Batiz.

Agad naman niyang nirespondihan ang naturang tawag. Agad niyang iniligtas ang kuting mula sa tiyak na kapahamakan.

Mayroon din namang isa pang pulis ang tumulong sa kaniya upang mailigtas ang kawawang kuting. Naghintay si Officer Batiz na dumating ang amo ng kuting ngunit sumapit na ang dilim ay wala pa ring kumukuha rito.

Dahil dito ay inuwi na lamang niya ang kuting sa kaniyang tahanan at nagdesisyon na dalhin ito sa isang shelter kinabukasan. Isang police officer naman ang kumuha sa kuting kinabukasan upang dalhin ito sa isang shelter kung saan titingnan kung mayroon itong microchip.

Dito na rin binigyan ng ilang shots at sumailalim sa medical check-up ang kuting. Matapos nito ay agad din namang ipinaalam sa kanila ng shelter na maaari nang may mag-ampon sa kuting kung kaya naman hindi na rin siya nagdalawang-isip pa na ampunin ito. Binigyan niya ito ng pangalang Clover.


Hindi rin naman mabilang ang mga papuri at magagandang komento ng maraming mga netizens sa kwentong ito ng isang pulis at ng iniligtas niyang kuting. Patunay lamang ito na hindi hadlang ang ating trabaho o ang kahit ano man kung nais talaga nating tumulong sa ating kapwa o maging sa mga hayop na nangangailangan ng ating tulong.

Tulad na lamang ng pulis na ito na hindi nag-atubiling tulungan ang kawawang kuting na nasa tiyak na kapahamakan noon at ngayon nga ay inampon pa niya at itinuring na bahagi ng kaniyang pamilya.