Isang lumang painting noong 1937 nagpapakita ang isang lalaking may hawak na selpown?!

Noon pa man talagang marami na rin sa ating mga Pilipino ang mahilig sa mga antigong bagay. Ang ating bansa ay punong-puno ng makukulay na kultura at tradisyon na maging ang mga dayuhang turista ay namamangha sa tuwing nalalaman nila ang mga bagay na ito.

Ngunit higit pa rito, talagang marami sa atin ang mahilig na sa kasaysayan. Kamakailan lamang ay marami ang namangha nang mapabalita ang isang lumang painting na ito na diumano ay mayroon daw isang lalaking may hawak na selpown!

Isang native American daw ang mayroong hawak na gadget na tila ba isang iPhone. Posible nga kaya ang “time travel” noon?

Maaaring mayroong isang indibidwal mula sa hinaharap ang nagdala ng gadget na ito sa kapanahunang iyon dahilan upang maipinta ito sa naturang lumang painting. Ang mural ay may titulong “Mr. Pynchon and the Settling of Springfield”

Ang Italian abstractionist na si Umberto Romano ang lumikha nito noong 1937. Ayon sa ilang mga nauna nang artikulo, ang larawang ito ay isang eksena o scene noong 17th century kung saan ang founder ng Springfield, Massachusetts na si William Pynchon ay napalilibutan ng mga native Americans sa kaniyang pagdating sa New World.


Halos 400 taon pa ito bago madiskubre ang mga smartphone! Sa kabila ng pambihirang painting na ito, ipinahayag ng historian na si Daniel Crown na maaaring hindi talaga ito selpown kundi isang salamin lamang na pagmamay-ari ni Mr. Pychon.

“Romano … was probably trying to capture the introduction of modernity into a curious but technologically stunted community, which was instantly bewitched by Pynchon’s treasure trove of shiny objects,” Pahayag ni Crown.

“For Native Americans, mirrors were symbols of wealth and prestige,” dagdag pa ni Edwin L. Wade na isang specialist sa native culture.

Samantala, ayon naman kay Dr. Margaret Bruchac, assistant professor of anthropology sa University of Pennsylvania, maaaring iron blade daw ang bagay na ito na talagang popular noong 1600s.