Isang lolo na nagtutulak at nag-iingat sa isang aso sa ospital, umantig sa puso ng publiko!

Anu-ano nga ba ang mga katangian ng isang taong gustong-gusto natin? Marahil ay ang pagkakaroon nila ng cute at charming na hitsura, palangiti o masayahing personalidad, at marami pang iba.

Sa kasamaang-palad, ang mga katangian na ito, makalipas ang ilang panahon ay mawawala at kukupas rin sa ating pagtanda. Tao man o hayop ay talagang magkakaroon din ng magkamukhang kapalaran pagdating sa pagtanda.

Habang tumatanda tayo ay malilimatahan na ang pagiging masigla natin at ang ating pagkilos, maaari din tayong magkaroon ng matinding karamdaman o di kaya naman ay unti-unti na lamang na manghina. Sa mga panahong ito, tiyak na kakailanganin natin ang taong mag-aalaga at kakalinga sa atin.

Ngunit paano nga ba natin makikilala ang taong tunay na nagmamalasakit sa atin? Kamakailan lamang ay marami ang naantig sa isang matandang lalaki na ito na tulak-tulak ang isang aso sa loob ng isang ospital.

Kahit nga mahina na rin siya at matanda na ay hindi ito naging hadlang upang hindi alalayan ng matandang lalaki ang kaniyang aso.

“When I was taking my dog to the hospital, I saw a grandfather pushing an old dog step by step in a stroller. This is what true love looks like. He will not leave it side until the very end.” Caption ng netizen sa larawan ng matandang lalaki at asong tulak nito.

Dagdag pa ng netizen ay makailang beses din daw inayos ng matandang lalaki ang pwesto ng aso. Talagang sinisigurado niyang hindi ito hirap sa kaniyang kalagayan. Talaga namang umantig ito sa puso ng marami.

Maging ang dumi sa mga mata ng aso ay hindi nakaligtas sa matandang lalaki. Bawat pagkilos nito ay nagpapakita na tunay niyang inaalagaan at iniingatan ang kaniyang aso.

Kahit pa nga halos pareho na rin naman silang nangangailangan ng pagkalinga. Patunay lamang ito na walang sukatan at walang hangganan ang tunay na pagmamalasakit at pagkalinga natin sa mga tao at hayop na talagang mahalaga sa atin.