Isang lolo ang hindi pumayag na ipamigay ang apo sa iba kung kaya naman makalipas ang 13 taon ay talagang tumutulong na ito sa kanilang mag-asawa upang kumita

Marahil ay marami na rin sa atin ang nakaranas ng matinding pagsubok sa buhay. Sabi nga ng mga matatanda, mayroon tayong kaniya-kaniya nating krus na dinadala sa buhay.


Nasa atin na lamang ito kung paano natin ito dadalhin. Kamakailan lamang ay mayroong isang kwento ng isang mag-lolo na talagang umantig sa puso ng publiko.

Sa Chiayi County, Taiwan ay mayroong isang 16 na taong gulang na binatilyo na nagngangalang Chen Youan. Marami ang nakapansin sa kasipagan niya sa murang edad.


Upang masuklian din ang pagsuporta sa kaniya ng kaniyang lolo at lola ay nagtayo ito ng munting pwesto sa pamilihan kung saan siya nagtitinda. Isang lokal na residente doon na nakilala bilang si Yang Shixu ang nagbahagi ng kanilang mga larawan at kwento sa social media.

Si Chen Youan ang ikatlong anak ng kaniyang mga magulang. Dahil sa ikatlo na siya ay naisip ng kaniyang mga magulang na ipamigay na lamang siya sa iba dahil na rin sa matinding kahirapan.

Ngunit hindi sumang-ayon ang kaniyang lolo at sinabing siya na lamang ang magtataguyod kay Cheb Youan. Dahil ang pangunahing pinagkakakitaan ng kaniyang lolo ay pagtitinda sa palengke, naisip ng binatilyo na magtinda rin siya ng luya at bawang upang kumita at makadagdag sa kanilang kabuhayan.
Hindi naman nabigo ang binatilyo at talagang sinusuportahan din siya ng kaniyang mga suki. Marami kasi ang natutuwa sa kaniya dahil sa napakasipag nito.

Hindi niya alintana ang hirap at pagod sa pagtatrabaho basta’t makatulong lamang sa kaniyang lolo at lola. Talaga namang mahal na mahal niya ang mga ito.


Hindi man ito ang kaniyang tunay na mga magulang ay labis labis ang kaniyang pasasalamat dahil sa pag-aaruga at pagkalinga sa kaniya ng mga ito. Tunay nga na nakakamangha din ang ganito klase ng kwento.

Wala sa relasyon o sa dugo bagkus ay nasa puso at intensiyon ng taong nasa paligid natin. Mapalad si Chen Youan dahil mayroon siyang mapagmahal na mga lolo at lola.