Isang limang taong gulang na batang may Down syndrome, natagpuan kasama ang kaniyang alagang aso na nagbabantay sa kaniya!

Marami na tayong nabalitaan na pagliligtas ng mga aso sa mga bata at sa iba pang miyembro ng pamilyang nag-aalaga sa kanila. Tila ba ito ang pamamaraan nila upang ipakita ang kanilang katapatan at pagmamahal sa kanilang mga amo.

Tulad na lamang halimbawa ng nangyaring ito sa isang 5 taong gulang na batang mayroong Down syndrome. Nawawala kasi ito ngunit nakita na lamang ng mga otoridad na ligtas at walang kagalos-galos kasama ang alaga nitong German shepherd.

Abril 2 nang makatanggap ng tawag ang kapulisan tungkol sa isang batang palakad-lakad sa isang komunidad kasama lamang ang isang aso sa tabi nito. Ayon kay Sgt. Ricardo Salas, napansin daw niyang may Down syndrome ang batang ito na halos kalahating milya na pala ang layo sa kaniyang tahanan.

Buti na lamang at kasama nito ang alaga nilang German shepherd na si Alejandro. Hindi niya kailan man iniwanan o pinabayaan ang bata.

“Witnesses told me the dog was with the little boy when they found him. As I walked away with the boy, the dog followed. This dog was his protector and his angel.” Pahayag ni Sgt. Salas.

“It seems like to us that the dog knew something was up, he knew that the child wasn’t supposed to be wandering off and he ended up following him. He was very protective and would not take his eyes off the child.” Dagdag pa nito.


Kahit pa nga nasa poder na ng otoridad ang bata ay hindi pa rin umaalis sa tabi ni si Alejandro. Kahit saan ay talagang naroroon lamang ang aso at tahimik na nakabantay sa bata.

Nang isakay na raw ng mga pulis ang bata sa sasakyan ay agad ding sumunod ang aso sa loob at tinabihan ang bata sa kinauupuan nito. Kalaunan ay natagpuan din nila ang ina ng bata na si Jasmine Martinez.

Ang nawawalang bata naman ay nakilala bilang si Jose na bigla na lamang nawala habang natutulog at namamahinga silang mag-ina sa kanilang tahanan.