Isang lalaking nakapagtayo ng kaniyang bahay sa halagang Php50,000 lamang nagsilbing inspirasyon sa publiko!

Aminin man natin o hindi, napakahirap sa panahon ngayon na makapagpundar ng sariling bahay. Ito marahil ang ilan sa mga dahilan ng maraming mga pamilya kung kaya nakikitira o nakikipisan na lamang sila sa kanilang mga magulang o kaanak.

Kamakailan lamang ay marami ang humanga sa lalaking ito dahil sa nagawa niyang makapagpatayo ng isang magandang bahay sa halagang Php50,000 lamang! Siya ay walang iba kundi si Henry Tugot.

Mayroon na siyang asawa, si Rejeen Tugot at mayroon na rin silang dalawang mga anak. Naibahagi sa social media ang mga larawan ng kaniyang munting tahanan. Mula sa mga hollow blocks, semento, at plywood ay marami ang talagang namangha nang makita ang kabuuang resulta nito.

Ayon sa news reporter na si Russel Simorio, ang perang ginamit ni Henry ay naipon pa niya mula sa mga trabahong pa-extra-extra niyang pinapasukan. Hindi lamang sa mababang halaga nagulat ang mga netizens dahil sa loob lamang ng 25 araw niya natapos ang munting tahanan nilang ito.
Ang munting tirahan nilang ito ay mayroong sukat na 14×16. Mayroon din itong isang silid, sala, kusina, at terrace. Talaga namang nakakabilib kung paano na-maximize ni Henry ang kabuuang sukat ng kanilang bahay.

Mayroon din silang air-con sa kanilang bahay. Kapansin-pansin ang “before and after photos” ng tahanan na ito nina Henry. Sa labas ng kanilang tahanan ay mayroon ding ilang mga nakapaso na halaman na mas nagpaganda pa sa kanilang bahay.

Tunay nga na nasa tao rin ang gawa kung may nais talaga silang makamit sa buhay. Hindi biro ang mga trabahong kaniyang pinasok para lamang makaipon ng pera.

Marahil ay matinding pagod at sakripisyo din ang kaniyang ginawa gayundin ang kaniyang buong pamilya. Kailangan din ng matinding disiplina kung nais mo talagang makapag-ipon, lalo na sa sobrang mahal ng mga bilihin sa ngayon, at sa baba ng sweldo ng mga manggagawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *