Isang lalaking gumawa ng hyperrealistic 3D painting ng kaniyang aso, umani ng sari-saring komento mula sa publiko!

Sa panahon natin ngayon, napakarami nang mga talento ang mas nahuhubog pa dahil na rin sa teknolohiya. Kahit pa maraming nagsasabi na maraming hindi magandang epekto ang teknolohiya sa mga kabataan ngayon, marami pa din naman ang naniniwalang may mga positibo rin nitong epekto.


Dahil sa mga talento na mayroon tayo, nagagawa nating makatulong sa ibang tao o di kaya naman ay maging inspirasyon para sa iilan. Mayroon din namang ilang indibidwal na nagkakaroon ng pagkakataon na kumita ng pera dahil sa mga talento nila.

Tulad halimbawa ng isang Pinoy na naging sikat online dahil sa talento niyang gumawa ng mga “hyperrealistic 3D art”. Sa Facebook page ng netizen na nakilala bilang si Karl Opiala, makikita ang nakakamanghang artwork na kaniyang ginawa.

Umani ito ng 34,000 na mga shares at mahigit 24,000 namang mga reactions mula sa publiko. Ngunit ang inaakala ng lahat na seryosong post ay isa pa lang biro lamang.

Dahil sa dalawang larawan na ibinahagi ni Opiala ay makikita ang mukha ng kaniyang alagang aso na nakasuot lamang pala sa butas ng kulay puti niyang canvass. Ayon sa maraming mga nakakita ng kaniyang post, kung hindi pa raw nila nakita ang dalawang larawan ay hindi nila malalaman na hindi pala totoo ang 3D art na kanilang nakita.


Sa unang tingin kasi ay aakalain mo talagang artwork ito at hindi totoong aso na isinuot lamang sa canvass. Bagamat hindi tunay ang naturang 3D art ay maraming mga netizens pa rin ang pumuri at nagpasalamat kay Opiala dahil sa ginawa niyang pagpapatawa sa publiko.

Tunay nga na kahit marami tayong iniisip na mga problema at pagsubok ay marami pa ring dahilan upang tayo ay maging masaya sa araw-araw. Hindi lamang puro seryosong usapan kundi kahit ganitong klase ng mga biruan ay may malaki ring naiaambag sa kasiyahan ng bawat isa.