Isang lalaki na nakatagpo ng asong nalason sa kaniyang bahay, hindi nagdalawang-isip na tulungan ito sa abot ng kaniyang makakaya!

Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang pagdami ng bilang ng mga taong talagang maituturing na pet o animal lovers. Hindi na mabilang ang bawat pamilya na mayroong kaniya-kaniyang mga alagang aso, pusa, isda, hamster, kuneho, at marami pang iba.

Tunay nga na nakapagpapasaya at nakakabawas ng stress nila ang mga alaga nilang ito. Ngunit isang mapait na katotohanan pa rin ang mga taong walang sawang nagmamaltrato sa mga kawawang hayop tulad na lamang ng isang asong ito.

Mayroong isang itim na asong ligaw ang nagtagpuan ng isang lalaki sa labas mismo ng kaniyang bahay. Ayon sa social media post ng netizen na nakilala bilang si Apih McQuinn, nagulat siyang makita sa kaniyang tahanan ang isang asong ligaw bandang 3:30 ng madaling araw.

“Even though he is a dog, he is still a creature created by Allah. He is not my dog, and I don’t know who did this to him. It looks like he escaped.” Pahayag ni Apih McQuinn.

“There is a possibility that he was poisoned, so I tried my best even though I am not a veterinarian.” Dagdag pa niya.

Hindi siya natural na mahilig sa aso dahil noon pa man ay talagang takot na siya sa mga ito ngunit talagang labis siyang nahabag sa kalagayan ng asong ito kung kaya naman talagang ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya matulungan lamang ito at masigurong ligtas sa matinding kapahamakan. Hindi niya batid kung paano o sino ang lumason sa naturang aso dahil sa kapansin-pansin na pagbula ng bibig nito.

Kung kaya naman agad na siyang kumuha muna ng kumot para sa aso at juice mula sa buko na agad niya ring ipinainom dito. Hanggang sa ngayon ay wala pa ring ulat kung nakaligtas nga ba ang aso o hindi.

Ngunit maraming mga netizens ang dumadalangin na sana ay hindi tuluyang binawian ng buhay ang aso na tila ba pinipilit pa ring lumaban hanggang sa napahirap at napakadelikado niyang kalagayan niyang iyon.