Isang lalaki na bumili ng secondhand na kotse, nakakita ng napakaraming pera sa gilid ng pinto nito!

Noon pa man marami na sa atin ang nagbabalak at nagpaplano na magkaroon ng sarili nating bahay, kotse, at negosyo. Ito na nga marahil ang ilan sa pangarap ng maraming mga Pilipino.

Bagamat hindi lahat sa atin ay pinapalad na makamit lahat ng ito, mayroon pa rin namang iilan na talagang nagagawang makamit maisakatuparan ang isa sa mga ito. Halimbawa na lamang ang isang lalaki na nakabili ng isang secondhand na sasakyan.

Hindi man niya kayang bumili ng isang brand new na sasakyan ay masaya naman siya dahil nakatiyempo siya ng isang maayos na secondhand sa makatarungang halaga. Ayon sa lalaki, isang araw ay bigla na lamang nasira ang power window ng sasakyan kung kaya naman sinubukan niyang hanapin ang problema.

Sa halip na ipagawa sa iba ay siya na rin ang nag-ayos nito upang makatipid at dahil may kaunti din naman siyang kaalaman sa pagkukumpuni ng sasakyan. Habang unti-unti niyang binabaklas ang door panel ay mayroon siyang napansin na kulay itim na bag.

Nang hatakin niya ito ay agad itong natanggal. Dahilan upang mabunyag sa kaniya ang laman nito sa loob.

Mayroong hugis bricks na laman ang naturang bag at balot na balot ng duct tape. Nang buksan niya ang mga ito isa-isa ay nanlaki ang kaniyang mga mata dahil limpak limpak na salapi pala ito!

Mayroong $10 at mga $20 na halaga ang bills na naroroon. Masayang-masaya siya dahil magiging malaking tulong sa kaniya at sa kaniyang pamilya ang pera na kaniyang natagpuan.

Plano din niyang itulong sa ibang taong nangangailangan ang ilang bahagi ng naturang pera. Ngunit hindi na siya nagpakilala pa sa publiko dahil ang sasakyan pala na kaniyang nabili ay natagpuan sa isang police-confiscated vehicle.

Tunay ngang napakapalad ng lalaking ito dahil nagkabili na siya ng isang sasakyan ay nagkaroon pa siya ng limpak limpak na salapi.