Isang lalaki mula ss Bolivia ang may karga kargang aso na paralitiko na, hindi nito alintana ang pagod makahanap lamang ng doktor na makakatulong sa kanila!

Marahil noon pa man ay napapansin na natin na ginagawa ng mga alaga nating hayop ang lahat ng ating sabihin. Ngunit hindi lamang pala sila ang kayang gawin ang lahat para sa mga amo nila.

Dahil maraming tao rin ang kayang magsakripisyo para sa minamahal nilang mga alaga. Tulad na lamang ng isang lalaki na ito mula sa Conchabamba, Bolivia.

Nasimulan na niya ang isang network campaign upang matulungan ang kaniyang aso na si Chika. Maliban dito ay namataan din ang lalaking karga ang kaniyang aso, mahanap lamang ang makakatulong sa kanilang espesyalista.

Ayon sa naging pagsasalaysay ng lalaki, naging kakaiba raw ang kaso na ito ni Chika dahil isang araw ay bigla na lamang daw itong tumigil sa paglalakad. Hanggang sa ngayon ay wala pa ring nakakapagpaliwanag kay Leonardo kung ano nga ba ang naging sakit ng kaniyang alaga.


Sa kabila ng karamdaman na ito ni Chika ay nagdesisyon si Leonardo na hindi-hindi niya iiwanan ang kaniyang alaga.

“I’m with her here, I can’t leave her because if I leave her, I think she can d!e. I just want her to be safe and sound.” Pahayag ni Leonardo.

Nang mga lumipas pang buwan ay nagawang kontakin ni Leonardo ang organisasyong Patitas Descalzas (Barefoot Paws), sila na ang nagbigay ng kaukulang bayad sa kilalang beterinaryo. . Ngunit ang mismong gamutan na ito ay napakamahal at napakasakit sa bulsa.

Dahil dito ay naisip ni Leonardo na ibahagi sa social media ang suliranin nilang ito upang kahit papano ay makahingi sila ng kaunting tulong sa mga netizens.

Maraming mga netizens naman ang naantig sa kwento nilang ito at kahit maliit na halaga ay malaking tulong na rin.