Isang lalaki mula sa Hong Kong, nagtungo sa Pilipinas upang alagaan ang dati niyang nanny na may malubhang sakit!

Nang malaman ni Philip Tse na ang kaniyang dating nanny ay mayroong malubhang karamdaman ay agad siyang lumipad patungong Pilipinas upang siya ay maalagaan. Halos 19 na taon din siyang inalagaan nito kung kaya naman talagang malaki ang pasasalamat niya rito.

Ang kaniyang dating nanny ay walang iba kundi si Remelyn Zubiaga Yumul. Ayon sa kaniyang salaysay, nagtungo siya noon sa Yanchai Hospital sa Tsuen Wan, Hong Kong upang magpakonsulta dahil na rin sa hindi nawawalang sakit ng kaniyang tiyan.

Laking gulat na lamang niya dahil ang sakit palang nararamdaman niya ay isa nang malalang sakit! Mayroon pala siyang stage 4 ovarian canc3r na kumalat na sa kaniyang baga at appendix.

Buti na lamang at ang kaniyang trabaho bilang isang domestic helper ay mayroong kaakibat na medical care hanggang siya ay employed pa. Naging napakabait din ng employer ni Remelyn na hinayaan siyang magkaroon ng vacation leave at ibinigay din ng mga ito ang kaniyang dalawang buwang sahod.

Kalaunan ay napagdesisyunan din niyang umuwi na lamang sa Pilipinas upang dito na magpagamot. Nagtungo siya sa Capiz Doctors Hospital sa Roxas City upang dito na lamang maipagpatuloy ang kaniyang gamutan.

Matapos ng kaniyag surgery ay sumailalim naman siya sa chemotherapy. 54 taong gulang na si Remelyn at halos 19 na taon din niyang inaalagaan si Tse mula pa nang bata ito.
Kahit may karamdaman at nagpapagaling dito sa Pilipinas ay mayroon pa rin siyang komunikasyon sa kaniyang mga employer noon. Madalas din ay nakakausap niya si Tse na nagdesisyon ding dumalaw sa kaniya dito sa Pilipinas kahit na apat na araw lamang.

Sa maiksing panahon na iyon ay masayang masaya siyang maalagaan ang kaniyang dating nanny. Talaga namang na-touch din si Remelyn sa ginawang ito ng kaniyang alaga.

Sa edad niyang 31 taong gulang, natitiyak ng dating Pinay DH na marami din itong pinagkakaabalahan sa buhay ngunit hindi ito naging hadlang upang magtungo siya sa Pilipinas, dalawin at alagaan ang kaniyang dating nanny.