Isang lalaki ang usap-usapan ngayon dahil sa kasama niya sa iisang bubong ang dalawa niyang asawa at siyam na mga anak!

Dahil sa laganap na ang social media sa iba’t-ibang panig ng mundo ngayon, hindi na mabilang ang maraming mga netizens na madalas nagbabahagi ng kanilang mga larawan o mga kaganapan sa kanilang mga buhay. Marahil ay upang ipagyabang ito sa iba o simpleng ibahagi lamang.

Kamakailan lamang ay marami ang nagulat sa ibinahaging ito ng isang babae mula sa Thailand. Hindi kasi pagkain, mamahaling gamit o luho ang kaniyang ipinagmalaki kundi ang kakaibang marriage arrangement nila ng kaniyang asawa!

“People are bragging about their husbands on Facebook. Well, my husband happens to have two wives!” Pagbabahagi ng 32-year-old na si Warissara Poksrichan, isa sa mga asawa ni Nuttayothin.

Ang kaniyang mister ay nakilala bilang si Manop Nuttayothin 42 taong gulang. Marahil ay inaakala ng marami na sumasakit ang ulo niya dahil sa dalawa niyang mga asawang kasama niya sa iisang bubong.

Ngunit ang katotohanan ay talagang magkasundo silang lahat at walang anumang away na nangyayari sa loob ng kanilang tahanan kahit pa nga kasama nila ang siyam nilang mga anak. Nilinaw din ni Nuttayothin na tatlo talaga ang kaniyang asawa noon ngunit nasawi ng maaga ang una niyang asawa.

Mayroon siyang tig-tatlong anak sa tatlo niyang asawa kung kaya naman nagkaroon siya ng siyam na mga anak.

“Sometimes it happens. I’ll overlook something and realize that I treated one wife better than the other. When I understand that’s a problem, I make sure I treat the two of them equally,” dagdag pa ni Nuttayothin.

Para naman sa dalawa niyang mga asawa ginagawa daw nila ng sabay ang lahat ng bagay at sa tingin nila ay nagagawa naman nila ito ng maayos at mas mainam. Mayroong “car parts and accessories business” si Nuttayothin kung saan nakakatuwang din niya ang kaniyang mga asawa.

Maging sa ilang mga major racing events sa Thailand ay madalas din silang sumasali.