Isang lalaki ang maswerteng nakapulot ng isang wallet na mayroong laman na $4,000 mula sa bundle ng mga damit na kaniyang binili!

Marahil narinig na natin ang mga katagang hindi pa rin madadaig ng swerte ang kasipagan. Ngunit mayroon din namang ilang mga sitwasyon kung saan talagang masasabi nating mapalad ang isang tao.

Tulad na lamang ng isang lalaking ito na nakilala bilang si Wan Mohamad Adam Wan Mohamed. Siya ay 29 na taong gulang na.

Siya ay nagtayo ng isang munting negosyo na ukayan sa Kampung Tualang Salak, Kelantan sa Malaysia. Dahil sa malakas ang kaniyang paniniwalang magtatagumpay ang kaniyang planong negosyo ay nagtayo siya ng isang munting shop at humango ng ilang bundle ng mga damit sa ilang pabrika.

Ngunit nang minsan siyang mag-uwi ng kaniyang mga pinamiling damit na nagkakahalaga ng $24 ay laking gulat niya nang makita ang isang pitaka na punong-puno ng laman! Madalas na niyang buksan at busisiin ang kaniyang mga paninda ngunit ito ang unang beses na nakatagpo siya ng isang pitaka sa mga bulto ng damit na ito.

“I was shocked to see so much cash in it and after counting the money, I took some pictures and uploaded it on Facebook”, komento ni Mohamed.

Ibinahagi niya rin na walang anumang impormasyon na nasa pitaka na kaniyang natagpuan kung kaya naman imposibleng mahanap niya ang taong nagmamay-ari nito. Dahil dito ay agad na niyang ipinapalit ang kaniyang natagpuang pera.

“I’ve changed 450,000 yen into local currency $4,150 and the rest will be kept as a memory. I will use the money to expand my business in the future.” Pagkukwento pa ni Mohamed.

Talaga namang maraming mga netizens ang namangha sa pangyayaring ito. Marami din ang nagsabing mas magiging mabusisi sila sa pagsusuri sa kanilang mga binibiling ukay na damit dahil maaari din silang makakita ng ganitong pitaka o iba pang mga bagay na maaari pang mapakinabangan.

Ikaw, nagkaroon ka na rin ba ng maswerteng karanasan noon nang minsan kang bumili sa isang ukayan?