Isang lalaki ang gumawa ng bahay gamit lamang ang 11 containers at talagang naging kamangha-mangha ang kinalabasan nito!

Tipikal na sa maraming mga ordinarsyong Pilipino ang mangarap na makapagpundar sila ng isang maayos at magandang bahay sa hinaharap. Maaaring imposible at mahirap pa ito sa ngayon ngunit tiyak na magiging posible ito kung magiging determinado at masipag lamang ito.

Kamakailan lamang ay marami ang namangha sa isang lalaking ito na nagkaroon ng isang magandang ideya na magtayo ng kaniyang dream house sa pamamagitan ng mga container! Sa unang sulyap ay aakalain mo talaga na isang simpleng container lamang ito sa labas.

Ngunit mamamangha kang malaman ang angking kagandahan ng interyor na disenyo nito. Sa labas pa lamang o entrance ng kaniyang tahanan ay makikita na ang munting hagdan at kulay dilaw nitong pintuan.

Mayroon namang rustic theme ang kaniyang living room at napakarami ding magagandang painting na nakasabit sa pader. Kapansin-pansin din ang sofa at chandelier dito na talagang bumagay sa tema ng kaniyang living area.

Mayroon ding malaking telebisyon para sa mga bisita. Sa kusina naman ay mayroong kulay brown at itim na tema.

Ang mga storage cabinet ay kulay itim habang ang kaniyang mesa at table counter naman ay kulay brown. Hindi talaga maipagkakaila na mahilig sa likhang sining ang may-ari ng bahay dahil maging ang mga silid sa kaniyang bahay ay punong-puno rin ng iba’t-ibang mga obra.


Pagsapit naman ng gabi ay maliwanag na maliwanag din ang buong bahay. Maging sa labas ay aninag din ang angking kagandahan ng interyor nito.

Maraming mga netizens ang nagtatanong kung nakamagkano ang may-ari ng bahay sa lahat ng kaniyang mga nagastos. Gayundin naman ang tagal nang pagtatayo ng ganitong klase ng bahay.

Talaga namang nakakabilib na sa kabila ng pagkakaroon natin ng modernong teknolohiya at mga gamit ngayon ay mayroon pa ring mga taong mas nais na gumawa ng mga ganitong klase ng bahay na talaga namang kamangha-mangha!